Chapter 32

4.7K 112 4
                                    

“Naku naman, patay ako kay ate nito!” Kinuha ni Princess ang phone niya sa bag at ini-on. Dala niya ang laptop niya. Pang-limang araw na niya dito sa Romblon pero ngayon lang niya binuksan ang e-mail niya. Nabasa niya ang message ng ate niya. Tinatanong kung bakit hindi siya nito makontak. Alam ng ate niyang nagbakasyon siya.

“Bakit, bhest?”

“Tumatawag pala si ate. Yung phone ko, limang araw ng naka-off. Baka kasi kontakin ako ni James kaya wala sa loob na ini-off ko. Ayoko siyang makausap.” Napahigpit ang hawak niya sa phone niya.

Tinapik siya ni Cath sa balikat niya. Nginitian niya ito. “Okay lang ako.” Then she heard someone’s knocking. “Bhest, may kumakatok.”

Lumapit si Cath sa pintuan ng room nila. Nireplayan naman niya ang e-mail ng ate niya. Nagdahilan na lang siya kung bakit naka-off ang phone niya.

“Ready na ba ang prinsesa?” Boses ni Aeroll ‘yon.

“Bhest, aalis na daw kayo sabi ng prinsipe mo.”

Napailing na lang siya. Nasa ibabaw siya ng kama at nilingon si Aeroll na nasa labas ng kwarto nila. “Saglit na lang. Susunod na ko sa baba.”

“Sino ba yang ka-chat mo? Boyfriend mo? Pwede namang mamaya muna siya asikasuhin. May lakad pa tayo kaya tumayo ka na diyan.”

Nagpanting ang tenga niya ng marinig ang salitang ‘boyfriend’. Huminga siya ng malalim. “Hindi na ko sasama.” Itinutok niya ang atensyon sa laptop niya kahit tapos na niyang i-send ang message na tinayp niya sa ate niya. Idagdag pa na may message din siyang natanggap mula kay James.

“What?!”

“Excuse me, bababa lang ako.” Lumabas na si Cath ng kwarto nila.

“You heard me. Mag-isa kang pumunta.”

“Ano bang problema mo?!” pikong tanong nito sa malakas na boses.

Kayong mga lalaki ang problema ko!!

Nabaling ang atensyon niya sa phone niya ng mag-ring ang phone ‘yon. Ang daming message na nagsipagdatingan. Halos puro kay James. Asking kung bakit hindi siya makontak. Kung ano ng nangyari sa kaniya. All in all, worried ito sa  kaniya.

Worried? May taksil pala na worried!

At ganitong may dalaw siya, masyado siyang emotionally. Namalayan na lang niya na tumutulo na ang luha niya.

“Princess...”

Tumalikod siya kay Aeroll at mabilis na pinahid ang mga luha niya.

“I’m sorry kung nasigawan kita. Tapusin muna ‘yang pakikipag-usap mo sa... sa kung sino mang kausap mo. Kanina pa naghihintay si Mang Kanor sa baba.”

“Sorry, I’m just ahm...”

“I know. Sumunod ka na agad sa ibaba. I’ll wait for you.”

“O-okay.”

Matagal bago niya nadinig na nagsara ang pintuan. Huminga siya ng malalim. “Okay ka lang diba? Okay ka lang. Erase. Erase. Erase. Wag mo ng isipin ang lalaking ‘yon. You’re here for your vacation so stop thinking.” kausap niya sa sarili niya.

Nakasuot siya ng contacts kaya yung dark glasses niya ang kinuha niya. Baka mahalata sa baba na kagagaling lang niya sa pag-iyak.

* * * * * * * *

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon