Chapter 6

6.1K 82 3
                                    

“Hmm…” Sumiksik pang lalo si Princess sa unang yakap niya. Ang sarap ng tulog niya, ayaw pa muna niyang bumangon. Mamaya pa naman ang alis niya pa-Batangas. Ang bango pa ng unan niya. Teka, unan? Batangas? Eh, nasa byahe na siya. At anong unang yakap? Biglang niyang naidilat ang mga mata niya. Bakit ang labo ng tingin niya? Pero ang ikinagulat niya ay ang nakita niya sa kabila ng malabo niyang paningin.

Oh, my God! Ang unang yakap niya ay walang iba kundi ng katabi niya! Tiningala niya ito. Tulog ito. Tiningnan niya ang ayos nila. Paano ako napunta dito? At bakit ako nakayakap sa kaniya? Naniningkit ang mga matang tiningnan niya ito. Handa na sana siyang gisingin at komprontahin ito nang mapansin niyang siya lang ang nakayakap dito. Ang kaliwang kamay nito ay nasa hita nito, at ang kanang kamay nito ay nasa likod niya pero hindi nakaakbay sa kaniya. Sa madaling salita, siya ang lumapit dito habang tulog siya, gano’n? Oh, no! Nakakahiya!

Unti-unti siyang kumalas dito para hindi ito magising. Pigil niya ang hininga niya hanggang sa makalayo dito. Buti na lang at tulog din ang nasa katapat nilang upuan. Inayos niya ang sarili niya. Nasa’n ang eyeglass ko? Sinilip niya sa sahig ng bus at baka nahulog kanina. Tiningnan niya ang loob ng bag niya. Kumunot ang noo niya. Bakit nandito ‘to? Isinuot niya ‘yon. Nilingon niya ang katabi niya. Siya ba ang naglagay nito sa bag ko? Kailan? Alam kaya nito na nakahilig ako sa kaniya? Tiningnan niya kung nasa’n na sila. Natatanaw na niya ang dagat. Malapit na sila sa port at ngayon lang siya nagising. Ang haba ng tulog niya at isipin pa lang niya na ilang oras siyang nakahilig sa lalaking ito. Nakakainis! Kahit kailan ang gulo ko matulog. Kasalanan ko ‘to, eh. Buti na lang at ako ang unang nagising sa’ming dalawa.

 



- - - - -

PINALIPAS na muna ni Aeroll ang limang minuto bago idilat ang mga mata. Nauna siyang nagising sa babaing katabi niya. Nagulat nga siya ng nakayakap na ito sa kaniya. Pumikit lang ulit siya ng maramdamang tila nagising na ito. Inalis din niya ang pagkakaakbay dito at baka talupan siya ng buhay nito. Pinakiramdaman niya ito. Hinintay niyang gisingin siya nito, sungitan at sabihan ng kung anu-ano. Pero lumipas na ang ilang segundo bago niya naramdamang dahan-dahan itong kumalas sa kaniya. Wala siyang narinig mula dito. Marahil ay iniisip nitong kasalanan nito dahil ito lang ang nakayakap sa kaniya.

Nag-inat siya ng imulat niya ang mga mata niya. “Ang sakit ng balikat ko.” mahinang daing niya at minasahe ang balikat niya. Nakita niyang napalingon sa kaniya ang katabi niya.

“Bakit?” painosenteng tanong niya.

Matagal bago ito sumagot. “Wala.” Iniwas na nito ang tingin sa kaniya. Napangiti siya. Hindi naman kasi siya gano’n kasama katulad ng iniisip nitong katabi niya, para ipangalandakan dito na ito ang unang dumikit sa kaniya. Nang mag-ring ang phone niya. Sinagot niya ‘yon.


- - - - - -


NAKAHINGA nang maluwag si Princess nang walang sinabi ang katabi niya. Alam man nito o hindi ang pagkakayakap niya dito, wala siyang pakialam. Basta wala itong sinabi, tapos. Kinuha niya ang phone niya at tinext si Cathrine.

“Siguro mga fifteen minutes nasa port na ako.” nadinig niyang sambit ng katabi niya. Pasimple niya itong tiningnan, may kausap ito sa phone nito.  

Ang tagal namang mag-reply ni bhest. Tinawagan na lang niya ito. Naka-call waiting siya, mukhang may kausap ito.

“Okay, hintayin na lang kita sa may bilihan ng ticket do’n. Ingat, Cath. Bye.” Napalingon siya sa katabi niya. Napatingin din ito sa kaniya. “Why?” tanong nito.

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon