Chapter 36

4.2K 60 1
                                    

Napahawak agad siya si Princess sa ulo niya ng maramdaman niyang kumirot ‘yon. Idinilat niya ang isang mata niya. Kisame ang unang tumambad sa kaniya. Para pang lutang yung isip niya kaya hindi niya alam kung nasan siya. Malambot ‘yong hinihigaan niya, eh. Sinubukan niyang tumayo kaya lang...

“Aray...” Kumirot na naman ang ulo niya.

“Gising ka na pala.”

Lumingon siya sa kaliwa niya.

“Goodmorning, prinsesa.”


* * * * * * * *


Alas-siyete na ng umaga.

Naunang nagising si Aeroll sa mga kasama niya. Mahimbing pa ang tulog ng mga ito. Nilingon niya si Princess. Nakaharap ito sa kaniya pero sa iba ito nakayakap. Sa unan ito nakayakap.

Naalimpungatan siya kaninang madaling araw na nakayakap pa din ito. Dahan-dahan siyang kumalas at kumuha ng unan at itinabi sa pagitan nila para iyon ang yakapin nito. Mahirap na, baka may makakita pagdating ng umaga na nakayakap ito sa kaniya. Baka kung ano pa ang isipin gayong na-correct na nila ni Princess na hindi sila mag-on sa mga relative niya kahapon ng mapagkamalan sila.

Kinumutan muna niya si Princess bago tumayo at dumeretso ng restroom. Paglabas niya, nasa labas na si Jed.

“Goodmorning, pare.” bati nito. “Musta naman ang lasing?”

“As if naglasing nga ko. Si Princess ang lasing.”

“Speaking of Princess, siya na lang ang tulog sa sala.”

“Hah? Ang himbing pa ng mga tulog nila Xander, ah.”

“Alam mo naman ang mga ‘yon. Kahit galing sa inuman at sobrang lasing, maagang nagigising. Ang iingay pa nila.” Pumasok na ito ng cr.

Tama nga ang sinabi ni Jed. Pagbalik niya ng sala, gising na sila Xander. Pero mali ang sinabi nito, yung mga lalaki lang ang gising. Tulog pa sila Princess. Ang iingay pa nila Xander nakitang may natutulog pa.

“Hoy mga tukmol! Do’n nga kayo sa garden at magligpit ng kalat ninyo do’n. Nakita ninyo ng may natutulog pa, ang iingay ninyo.” utos niya.

 “Ano ba ‘yan, ang ingay ninyo naman...” Si Mai ang nagising. Pupungas-pungas na bumangon ito at dumeretso ng kusina. Naalimpungatan pa ata.

“Sino ang maingay, Aeroll?” nang-aasar na tanong ni Allen.

“Kayo. Kaya tumayo na kayo diyan at ligpitin ang kalat ninyo sa likod.”

“Inaantok pa kami, eh.” Nagtulug-tulugan pa ang mga ito.

“Lagot kayo kay Lola Conchita pag nakita niyang ang daming kalat sa likuran, mahala niyang hardin. Palo kayo sa pwet.”

Mabilis pa sa alas-kwatrong nagsipagtayuan ng mga ito. Nilingon niya si Harold. “Ikaw, pinsan, wala ka bang balak tulungan sila?”

“Kaya na nila ‘yon. Babantayan ko pa ang honey ko.” Humiga uli ito at niyakap ang natutulog na si Cath.

Kumuha siya ng unan at binato dito, kaya lang sa halip na dito tumama, tumama kay Kristine ang binato niyang unan. Nagising tuloy ang pinsan niya. Pero sa halip na magalit at nagpasalamat pa ito. “Thank you sa pang-gigising, Aeroll.” Nakangiti pa ito.

“Hanep ka talaga, Kris. Binulabog na nga ang pagtulog mo, nakangiti ka pa. Kung ako ‘yon, binato ko siya ng sofa.” sabi ni Harold.

“May pasok pa kasi ako ngayon kaya buti na lang ginising ako ni Aeroll.”

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Where stories live. Discover now