Chapter 43

4.2K 85 3
                                    

Umangat ang tingin ni Princess sa harap ng building na kinatatayuan niya.

Aurello Corporation.

Yes. Pagmamay-ari ng pamilya ni James ang building na ‘to. And James Aurello is the CEO of this company.

I’m sorry, James. I didn’t meant to fall inlove with someone. Pinilit kong iwasan, pero hindi ko kaya. Pero ikaw, nakita ng mga mata kong niloko mo ko. At hindi ko alam kung gaano mo pa ko katagal na niloloko. Mahigpit niyang hinawakan ang phone niya bago pumasok ng building.

Pasakay na siya ng elevator ng may nagmamadaling lumabas mula sa loob no’n. Nabangga pa siya nito.

“Sorry, miss ganda. Ingat-ingat ka din.”

Napalingon siya dito. Kumunot ang noo niya. “James?”Pero nakalayo na ang lalaki. Nagtatakang pumasok na lang siya ng elevator. “Si James ba ‘yon? Pero hindi, eh.” Side view lang kasi ang nakita niya. Hanggang sa makarating siya sa floor na pakay niya ay iniisip pa din niya ang lalaking nakabangga niya.

“Hello, Amy!” bati niya sa secretary sa labas ng office ni James.

Ngumiti ito. “Ma’am.”

“Princess na lang. Hindi mo naman ako amo. Nasa loob ba si James?”

“Nasa meeting pa po siya.”

“Gano’n ba?” Ano ba naman ‘yan! “Can I wait him at his office?”

“Sige po.”

“Thank you.”Pumasok na siya ng office at umupo sa sofa. Nilibang muna niya ang sarili niya sa pagbabasa ng mga magazine. Napaangat lang ang tingin niya may pumasok sa office.

“James—“ Napalingon ang lalaki sa kaniya. “I’m sorry, ikaw pala, Hunter.”

Tumango lang ito sa kaniya. Buhat nito ang isang kahon at ibinaba sa tabi ng table ni James.

“Matagal pa ba ang meeting ni James?”

Tumango lang ito. Napailing na lang siya. Ano ba naman klaseng tao ‘to? Kahit kailan, hindi marunong sumagot. Kay James lang ata ito sumasagot.

Si HUNTER ang personal ASSISTANT con personal BODYGUARD ni James. Masyado itong tahimik. Parang ang daming sikretong tinatago. Ang hirap basahin ng isip.

Pinagpatuloy na lang niya ang pagbabasa habang nilalabas ni Hunter ang laman ng kahon. Kaya lang, hindi niya talaga kayang tumagal sa isang lugar na kasama ito. Para kasing bawat kilos niya minamatyagan nito.

Tumayo na siya. Tumayo din ito. “Babalik na lang ako.” Nagugutom na ko kaya magla-lunch na muna ko. Tumango lang ito. Asual. Tumagilid na ito ng tayo kaya kumunot ang noo niya ng mapansin ang braso nito. Nakasando lang kasi ito.

“Bakit parang…”

“Bakit?” hindi lumilingong tanong nito.

Napalunok siya. Para naman kasi itong kontrabida sa mga sinusulat niya. Gwapo sana, kaya lang para namang sasaktan ka madikit ka lang dito. “Wala naman.”Lumingon ito sa kaniya. “Ah, sige. Alis na ko.” Mabilis na siyang lumabas ng office.


* * * * * * * *


“Syete! Nasan na yung phone ko?” Katatapos lang niyang kumain at maglibot sa mall ng mapansin niyang wala sa bag niya ang phone niya. Baka nasa kotse. Kaya lang pagsakay niya ng kotse niya, wala din do’n ang phone niya.

“Ano ba naman ‘yan!” Inis na naihampas niya ang kamay niya sa manibela ng kotse niya. “Aray!”

Napabuntong-hininga siya. “Pa’no na ngayon ‘yan?” Tiningnan niya ang relo niya. Two hours na simula ng umalis siya sa office ni James. Siguro naman nando’n na ‘yon. Inistart na niya ang kotse niya at bumalik ng office nito.

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon