Chapter 51

3.6K 51 4
                                    

“Sabi ko na nga ba at tatawag ka agad sakin.” bungad ng undercover agent ng umupo ito sa katapat na upuan ni Princess. Nasa isang restaurant sila.

“Talagang sigurado ka na, hah.” May nakasabit na naman na camera sa leeg nito.

“Napansin ko lang the other night na masyado kang curious sa kaso ni Ferrer. Ano nga bang dahilan?”

“Akin na lang ‘yon, okay? So, anong alam mo tungkol kay Kuya Rod.”

Ngumiti ito. “Don’t mention names.” Tumango na lang siya. May inilibas itong mga pictures.

Kumunot ang noo niya. “Anong kinalaman ‘yan kay—sa kaniya?” Puro pictures ng model ang nasa picture. Buti na lang walang nude kundi batok ang aabutin ng may tililing na lalaki na ‘to.

Nginitian siya nito. “Props lang ‘to. Remember, I’m a photographer. Ganito ‘to ko magtrabaho. Malay ba natin kung may nakatingin satin ngayon. At dahil malakas ang pakiramdam ko, alam kong may nakamasid satin ngayon.”

Bigla siyang napalingon sa paligid niya. Wala namang nakatingin sa kanila dahul busy ang mga tao sa pagkukuwentuhan at pagkain. Nang dumako ang tingin niya sa isang tao. dalawang table lang ang pagitan nila. Nakahalukipkip ito habang deretsong nakatingin sa kanila. Pinanlakihan niya ito ng mata. Gano’n din ang ginawa nito.

“Kilala mo ba siya?”

Napalingon siya kay, ano nga bang pangalan nitong photographer ‘to? “Sino?”

Ngumiti ito. “Yung lalaki sa isang table?”

Tumango siya. “I’m sorry. Mapilit kasi siya.”

“Boyfriend mo?”

Kumunot ang noo niya. “Ano ka ba talaga? Photographer? Reporter? Agent? O tsismoso ka lang talaga.”

Nginitian siya nito. “Kahit ano pwedeng maging ako, kung anuman ang gustuhin ko at kinakailangan ng pagkakataon.”

Iniba na lang niya ang usapan. Mapapa-praning na siya dito. “Going back to our real business here. Anong alam mo sa kaniya?”Si Rod ang tinutukoy niya.

“Hindi ko pwedeng sabihin sa’yo.” nakangiting sabi nito.

Kumunot ang noo niya. “What?”

Sumeryoso ang mukha nito. “Hindi pwede. It’s highy confidential. Ayokong madamay ka sa kasong ‘to.”

Napalunok siya. “But I want to know kung sino ang pumatay sa kaniya.”

“Pumatay?”

“Yes, patay na siya.”

“Shit!”

Nagtaka tuloy siya. “Akala ko ba agent ka? Hindi ba dapat alam mo ‘yon?”

“Alam kong comatose siya, pero ang namatay siya...shit talaga!”

“Ang sabi ng nurse na nakausap ko, cardiac arrest daw. Namatay siya the other night na magkita tayo sa police station.”

“Hindi kaya kumilos na sila?” tanong nito na parang sarili ang tinatanong.

“Kumilos sino?”

“Hindi mo pwedeng malaman.”

“So, bakit pa tayo nag-uusap ngayon kung wala kong pwedeng malaman?” Naiinis na siya.

“Again. Dahil hindi ka pwedeng ma-involve sa kasong ‘to. Naiintinidihan mo?” Ano ba kasing mero’n sa kasong ‘to? “Narinig kong sinabi mo na pag nakita mo uli ang lalaking ‘yon ay makikilala mo uli siya?”

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon