Chapter 19

4.6K 55 5
                                    

A/N: Aun! one week ko lng naman ndi nabuksan ang wattpad ko, haha, naun lang tuloy nakapag-ud .. pasensorry :)

 ^________^

 “Bhest, sa’n ka pupunta?” tanong ni Cath kay Princess.

“Maglilibot lang.”

“Baka maligaw ka.”

“Hindi.”

“Huwag kang lalayo, ah. Malapit ng dumilim.”

Tiningnan niya ang relo niya. 5:15 pa lang naman.

“Oo. Nasa’n na yung dalawang pinaglihi sa nguso ng baboy?”

“Naghanap ng kahoy para sa bonfire natin mamaya.” natatawang sagot nito.

“Wagas ang tawa nila kanina. Nguso lang pala ng baboy sila pinaglihi. Alis na ‘ko. Saglit lang ako.

“Ingat ka.” Itinutok na nito ang atensyon sa ginagawa nito.

Lumabas na siya at tinahak ang trail na nakita niya. Iyon na lang ang susundan niya para hindi siya maligaw. At dahil nature lover siya, enjoy na enjoy niya ang mga nakikita niya. Hindi naman siya natatakot dahil maliwanag pa.

Sa sobrang enjoy niya, hindi niya namalayang lumilihis na siya sa trail na dapat ay sundan niya.

“Ang ganda talaga dito.” Nakadinig siya ng ingay mula sa itaas ng puno na nadaanan niya. Napaangat ang tingin niya. “Mga ibon lang pala.”

“Hello, birds!” kausap niya sa mga ito. Humuni ang mga ito bilang sagot. Saka lang niya napansin ang araw. Papadilim na. Napatingin siya sa relo niya.

“Patay! Thirty minutes na pala akong namamasyal. Baka hinahanap na nila ‘ko.” Kinapa niya ang bulsa ng short niya. “Naiwan ko pa yung phone ko.”

Bumalik siya sa dinaanan niya kanina ng mapansin niyang wala na yung trail na sinusundan niya. “Oh my gulay! Nasa’n na yon?”

Naglakad siya ng naglakad sa alam niyang dinaanan niya kaniya. Pero hindi niya talaga makita kung nasa’n yung trail. Fifteen minutes na siyang naglalakad ng makadinig siya ng kaluskos.

Luminga siya sa paligid niya. “Ano ‘yon?” Nang maalala niya ang sinabi ng lolo ni Harold na may nangunguha daw ng dayo dito.

Kinabahan siya. “Naku po!” Nagtatakbo siya. Nang mapagod ay napahinto siya. Tiningala niya ang langit. Ang dilim na. Wala na nga siyang masyadong makita. Umupo siya sa gilid ng puno ng mangga na nakita niya.

“Hinahanap na kaya nila ako?” Napayakap siya sa tuhod niya.

 - - - - - - - -

“BAKIT wala pa din siya until now?!”

“Insan, umupo ka nga muna. Nahihilo na ‘ko sa kakaikot mo, eh.”

Hindi ito pinansin ni Aeroll. “Thirty minutes na siyang nawawala. Dumidilim na.” Pumasok siya ng kwarto at kinuha ang flash light sa drawer.

“Sa’n ka pupunta?” tanong ni Harold paglabas niya.

“Hahanapin ko siya.”

“Sasama ko, Aeroll.” wika ni Cath.

“Maiwan ka na, Cath.” sagot niya.

“I’ll go with you, insan.”

“Walang kasama si Cath dito. Ako na lang ang maghahanap kay Princess.” Lumabas na siya ng camphouse. Sinundan siya ng mga ito.

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon