Chapter 24

5K 57 3
                                    


Nasa isang air-conditioned room silang apat ngayon. Over night sila sa resort kaya kumuha sila ng one room for four. Katatapos lang nilang mag-dinner, balak nilang mag-swimming uli pero magpapahinga muna sila. Naglalaro sila ng baraha habang nagpapababa ng kinain. Unggoy-ungguyan ang laro nila.



“Ano ba ‘yan! Ako na naman ang unggoy!” reklamo ni Aeroll. Papahidan ng lipstick ang mukha ng magiging unggoy. Puno na ng lipstick ang mukha niya. Para na nga siyang lipstick na tinubuan ng mukha. Ang lakas ng tawa ng tatlo niyang kasama matapos pahidan ng mga ito ng lipstick ang mukha niya. Mero’n ding pahid ng lipstick ang mukha ng mga ito. Pero mga tatlo o apat lang.

“Mukha ka kasing unggoy, insan.” pang-aalaska ni Harold sa kaniya.

 “Sa gwapo kong ‘to.”



“Gwapo? Ikaw?” sambit ni Pricess. Tiningnan pa nito ang mukha niya. “Mukha ka ngang…” Hindi na nito naituloy ang sasabihin nito dahil humagalpak na ito ng tawa.

“Sige lang tawa pa.” inis na sambit niya.

Tiningnan uli nito ang mukha niya habang natatawa. Lalo pa itong natawa. Napahiga pa ito sa carpet na inuupuan nila habang tawa ng tawa. “Ang sakit na ng tiyan ko…ayoko na…”



Grabe ‘tong babaeng ‘to. Kung makatawa wala ng bukas. Ngayon lang ba ito tumawa at bigay na bigay? Nang may maisip siya. Sinenyasan niya si Cath na nakangiti habang nakatingin kay Princess na ngayon ay nagpagulong-gulong na sa carpet.

“Bakit?” mahinang tanong ni Cath.

“Get your camera.” mahinang sambit niya sabay turo kay Princess.

Na-gets nito ang gusto niyang gawin dahil tumayo na ito at kinuha ang camera nito. Nilapitan niya si Princess. “Hindi ka pa din titigil?” tanong niya.

“Huwag mo ngang ilapit…yang mukha mo…para kang…ewan sa itsura mo…” natatawang sambit nito.

“Ayaw mo talaga, hah. Sige, gusto mo ‘yan, eh.” Kiniliti niya ito, tutal naman ayaw nitong tumigil sa kakatawa.

“Aeroll! Ayoko na!” Natanggal na ang eyeglass nito.

“Hindi. Gusto mo pa, eh.”



“Ayoko na! Hindi na ako makahinga!” Pero patuloy pa din naman ito sa pagtawa. Nakadinig siya ng ilang click ng camera. Napalingon siya kay Cath.

“Ang ganda naman ng kuha ninyo dito.” sambit ni Cath.

“Patingin nga honey.” Lumapit si Harold dito. “Ang ganda nga. Bagay kayo, ah.”



“Hoy ano ‘yan? Patingin nga.” sambit ni Princess. Tumigil na ito sa paghalakhak nitong wala ng bukas.

“Patingin nga din.” Lumapit siya sa mga ito. Nagkauntugan pa sila ni Princess dahil sabay pa silang lumapit kay Cath.

“Ouch!”



“Sorry, prinsesa.” Hinaplos niya ang noo nitong tumama sa noo niya. “Masakit ba?”



Umiling lang ito habang nakatingin sa kaniya. At dahil wala ang eyeglass nito, kitang-kita niyang bakas pa din sa mga mata nito ang tuwa gawa ng paghalakhak nito kanina. Hindi niya tuloy mapigilang haplusin ang mga mata nito. Pero bago pa niya magawa ‘yon ay may nadinig siyang malakas na tikhim mula sa gilid nila.

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon