Chapter 62

3K 50 3
                                    

I will kill you all! Walang makakalagpas sa mata ko! Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ni Princess sa isip niya habang hawak ang shutgun at pinagbabaril ang mga terorista sa loob ng video game.

Matapos ang mala-baldeng pag-iyak niya kanina. Sa mall siya dumeretso. At dito sa arcade siya dinala ng mga paa niya. Pinapalit niya ang one hundred pesos niya ng token. Wala siyang pakialam kung abutin siya ng gabi dito. Mahigit isang oras na siyang naglalaro. Wala siyang pakialam kung magkakalyo na ang mga daliri niya. Wala rin siyang pakialam kung pinagtitinginan na siya ng mga tao sa paligid niya dahil isang oras na siya sa pwesto niya.

Ng mga oras na ‘to. Feeling niya, wala siyang nakikita. Wala siyang naririnig. Na siya lang ang nag-iisang tao dito. Gusto niyang ilabas ang sama ng loob niya. Kung sa bahay lang siya ngayon, mababaliw lang siya sa kakaisip. Maiisip lang niya si Aeroll.

Aeroll...

Unti-unti na naman niyang nararamdaman ang sakit. Naramdaman niyang tutulo na naman ang luha niya kaya tinutok niya ang atensyon niya sa video game.

I will kill you all! Walang makakalagpas sa mata ko! I will kill you all! Walang—

May bumangga sa likuran niya. “Ano ba! Bulag ka ba?!”

“Shhh... wag kang maingay.” Nagtago ito sa gilid ng video game.

Kumunot ang noo niya ng makilala ito. “Justine?”

“Uy, miss ganda! Ikaw pala ‘yan.” Sumilip ito. “Nakita mo yung babaeng ‘yon?” Napalingon siya sa itinuro nito sa labas ng arcade. “Remember her? Yung kasama kong girl nung iligtas kita no’n? Nakipag-break na kasi ako sa kaniya. Hindi niya matanggap kaya hinahabol niya ko. May bago na kasi akong pinalit sa kaniya kaya—”

“Wala akong paki. Mga manloloko!” Itinutok uli niya ang atensyon sa paglalaro niya.

“Ang sungit mo naman, miss ganda.”

Itinutok niya dito ang toy shutgun. “Gusto mong ikaw ang barilin ko?”

“Go. I’m ready to die.”

Sa halip na patulan ang sinabi nito ay binitawan niya ang shutgun. Lumapit siya sa isang game na may mga butas, tapos may lalabas na mga nakadila, malaki ang mata at nang-aasar na hayop sa iba’t ibang butas bawat segundo. Ang gagawin ng maglalaro ay papaluin ang mga hayop once na lumitaw ‘yon sa kahit na anong butas gamit ang pamalo in big version na ginagamit ng mga judges. Nag-shoot siya ng token at hinawakan ng mahigpit ang pamalo. Nanggigigil na pinalo niya ang bawat hayop na lumitaw sa mga butas.

“Masira mo ‘yan.”

Hindi niya ito pinansin.

“May pambayad ka ba dyan?”

Dedma pa rin.

“Worth one million ‘yan. Baka kahit buhay mo hindi mabili ‘yan.”

Tiningnan niya ito ng pagkasama-sama. “Hindi ka ba marunong umintindi? Hindi ako sumasagot sa mga tanong mo. Meaning, ayaw kitang kausap. At pwede ba, kahit ngayon lang, o kahit habang buhay na lang, stay away from me.” Makita lang ang mukha nito ay naaalala na niya si James. Ang ginawa ni James. Pero hindi naman niya masisisi si James. Ang dapat niyang sisihin ay ang sarili niya.

“Whoah! Wala naman akong sinabing masama, ah. I’m just—”

“You’re just too insensitive.” Tinalikuran na niya ito at lumabas ng arcade. Naramdaman niyang sumunod ito sa kaniya. “Ano pa bang kailangan mo?” hindi lumilingong tanong niya.

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon