Chapter 80

3.2K 36 1
                                    



Dinala si Aeroll ng dalawang lalaking nakahuli sa kaniya sa isang kwarto. Na nasa second floor. Pagbukas na pagbukas agad ng pintuan, tumambad agad sa kaniya ang isang babaeng nakaupo sa sahig habang nakatali sa posteng kinasasandalan nito.

Napalingon ito sa kaniya. Halatang nagulat ito ng makita siya. Saglit naman siyang natulala habang nakatingin dito. Sa itsura nito. Napamura siya sa isip niya.

“Ipapaalam ko lang ‘to kay Master.” Umalis ang isang lalaki. Tinulak naman ng siya ng isa papasok ng kwarto.

Saka lang siya nakapagsalita. “Princess.”

“A-aeroll?”

Mabilis siyang lumapit dito. Hindi niya malaman kung paano hahawakan ang mukha nito. May pasa ito sa magkabilang pisngi nito. May sugat ito sa kanang pisngi nito. May sugat pa ito sa gilid ng labi nito na may namuong dugo. Halata ding galing ito sa pag-iyak.

“Paanong...”

“Hindi na mahalaga ‘yon.” He said. Ang nasa isip niya ngayon ay kung sinong hayop ang may gawa ng nakikita niya kay Princess! Malutong na napamura siya sa isip niya.

“Aeroll...”

He gritted his teeth. “Sinong may gawa niyan sa’yo?” nanggigigil niyang tanong.Hinaplos niya ng marahan ang pisngi nito.

Umiling ito kasabay ng pagpatak ng luha nito. “Just hug me, please...”

Walang salitang ginawa niya ang sinabi nito. “Okay na. Nandito na ko.” bulong niya. Hinaplos niya ang buhok nito. Kasabay ng pagpindot niya sa maliit na gadget na hawak niya.

“Oy! Tama na ang drama! Mamamatay rin naman kayong dalawa. Sa langit ninyo na ituloy ‘yan.”

Nagdilim ang paningin niya sa narinig niya. Napalingon siya sa lalaking nagdala sa kaniya sa kwartong ‘yon. Nakangisi pa ito habang prenteng nakasandal sa gilid ng pintuan. Kumalas siya kay Princess. At mabilis niyang nilapitan ang lalaki at sinugod ng suntok.

Mukhang hindi inaasahan ng lalaki ang gagawin niya dahil bahagya pa itong nagulat. Agad naman itong nakabawi dahil gumanti din ito ng suntok. Na agad naman niyang naiwasan. At sinabayan naman niya ng suntok uli dito. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang paglabas nito ng baril nito sabay tutok sa kaniya.

Ngumisi ito. Ngumisi din siya. Para sa’n pa ang mga itinuro sa kaniya ng Tito Sebastian niya kung hindi naman niya magagamit ngayon?

Sa isang iglap lang ay naagaw na niya ang baril mula dito.

“Paanong—”

Hindi na nito naituloy ang sasabihin nito dahil mabilis niya itong inundayan ng suntok. Nang sunod-sunod na suntok. Manakit man ang kamao niya. Magdugo man ang kamao niya. Wala siyang paki.

“Aeroll!” Narinig niyang sigaw ni Princess. Pero hindi na niya initindi ‘yon. Ang nasa isip niya ay ang gumanti sa kung sino mang hayop ang nanakit kay Princess ng gano’n. At malas lang ng lalaking ito dahil ito ang napagdiskitahan niya. Sabagay, kasalanan din nito.

Itinutok niya ang baril sa lalaking nakahiga na sa sahig. Na mukhang wala ng malay.

“Aeroll! No!”

“They hurt you, Princess! Ang dapat sa kanila, mamatay!”nanggagalaiti niyang sabi.

“Sige lang. Iputok mo ‘yan kung gusto mong dumanak dito ang dugo ng babaeng ‘to.”

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon