Chapter 74

3K 38 0
                                    



“Papa, gusto ko ng chocolate.”

“Naubos muna yung chocolate na binili ko sa’yo.”

“Pero, papa. Gusto ko ng chocolate. Bili tayo sa labas.”

Kumunot ang noo ni Princess sa nakikita niya. Nakikita niya ang sarili niya. Ang batang siya kausap ang papa niya. At pamilyar sa kaniya ang eksenang nakikita niya.

“Gabi na, baby. Bukas na lang.”

“Pero papa gusto ko po ngayon. Saka eight pa lang po. Maaga pa. Sige na po.” Kumapit ang batang siya sa papa niya.

“Pero baby.”

“Please...”

“Sige na nga.” Ginulo ng papa niya ang buhok ng batang siya.

“Thank you, papa.” Hinalikan ng batang siya ang pisngi ng papa niya. “Mahal na mahal mo talaga ko noh?”

“Yes, my princess.”

Napapikit siya sa nakikita niya. Namimiss niya ang gano’n. Papa...

She opened her eyes. She found herself in the middle of the road. Napatingin siya sa unahan niya ng makita niya ang isang delivery van na palapit sa kaniya. Lumingon siya sa likuran niya. And there he saw his father riding on a motorcycle with herself, ang batang siya.

Wala siyang naiintidihan. Pero isa lang ang pumasok sa isip niya. Yung delivery van! Tinutumbok nito ang motor ng papa niya! “Papa!” Napapikit na lang siya at napatakip sa tenga niya pagtingin niya sa van, ilang hibla na lang ang layo no’n sa kaniya.

Hinintay niyang may sumakit sa kaniya. Pero wala siyang naramdaman. Pero may narinig siya. Ang sagitsit ng gulong. Ang pagbangga ng kung ano.

Idinilat niya ang mata niya. Nakita niya ang van. Pero hindi ang motor ng papa niya. Humakbang siya palapit sa unahan ng van. Kalahati ng motor, nasa unahan ng van. Pero wala do’n ang papa niya.

Napalingon siya sa gilid ng kalsada. Sa damuhan. And there he saw his father lying while holding the kid herself. Duguan ang papa niya. Ang mukha nito. Blood was flowing.

Nanginginig ang paang lumapit siya dito. Lumuhod siya sa harap nito. “Papa...” Nangilid ang luha niya sa nakikita niya. Hindi niya alam kung bakit niya nakikita ang pangyayaring ito. But it hurts her so much na makitang ganito ang papa niya. Parang hinihiwa ang puso niya. Ni wala siyang magawa.

“O-okay ka lang, ba...by?”

Tiningnan niya ang batang siya. May mga sugat din ito. Nakadilat ang mata nito na unting-unting pumikit.

“Princess...” Nakita niyang tinapik ng papa niya ang pisngi ng batang siya. Hinawakan din ng papa niya ang leeg ng batang siya. Ngumiti ng pilit ang papa niya.

“Henry.”

Napalingon siya sa gilid niya ng marinig niya ang boses na ‘yon. May tao siyang nakitang nakatayo. Pero hindi niya makita ang mukha nito. Malabo ang dating ng mukha ng lalaki sa paningin niya. Bakit hindi kita makita? Bakit hindi kita makita? paulit-ulit niyang tanong sa isip niya.

“Ikaw...”

Napalingon siya papa niya. Kilala ni papa ang lalaking ito?

“Binalaan na kita, Henry. Pero sadyang makulit ka. At ayokong ikaw pa mismo ang sumira sa plano ko.”

Napalingon siya sa lalaki at nanlaki ang mata niya ng makitang may hawak itong baril. Kasabay no’n ay dumilim ang paligid niya. Wala na siyang makita kundi kadiliman.

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon