Chapter 61

3K 41 4
                                    

“Anong kailangan mo sakin?” Si Chariz ang sumalubong kay Princess sa labas ng hospital.

“I’m sorry to disappoint you, pero hindi ikaw ang kailangan ko.”

“Kung si Aeroll ang hinahanap mo, I’m sorry to disappoint you, too, pero hindi siya pumasok ngayon.”

Lihim siyang napabuntong-hininga. Out of reach ang phone ni Aeroll ng subukan niya itong tawagan kaninang umaga. Sinunod niya ang sinabi ni Harold kagabi na hayaan muna ito. Pero hindi na niya kayang palipasin ang araw na hindi ito nakakausap. Kaya nga pumunta siya ng hospital ngayon.

“Mukhang may problema kayo ni Aeroll.” Napatingin siya kay Chariz. Humalukipkip ito. “Hiwalay na kayo noh?” Hindi siya sumagot. Nagulat siya ng tumawa ito. “Anong sabi ko sa’yo? Na maaagaw ko siya sa’yo. And look at you now. You looked miserable.”

Kinuyom niya ang kamao niya. Kung pwede lang na manampal ngayon, at dito mismo sa hospital, binigyan na niya ng mag-asawang sampal ang babaeng ito. Tiningnan na lang niya ito.

“Anong tinitingin-tingin mo?”

“Wala naman.” Tinotorture lang kita sa isip ko. Nang may maalala siya sa sinabi ni Aeroll kagabi. “Can I talk to you?”

“Sure. Break time ko naman. At kailan ba kita inurungan?” Nauna ito sa kaniya.

Para namang makikipagsabunutan ako sa kaniya. Sumunod siya dito. Sa parking lot sila nakarating. Pabor ‘yon dahil walang tao. Walang makakarinig sa usapan nila.

“Anong sinabi mong kasinungalingan kay Aeroll?” agad niyang tanong dito.

Humarap ito sa kaniya. At ngumisi. “Gusto mo ba talagang malaman?” Naglakad ito paikot sa kaniya. “Sinabi ko lang naman na inagaw mo ang boyfriend ko nung college tayo.”

Nagsalubong ang mga kilay niya. “What?! Alam mong hindi ‘yan ang totoo!”

“Alam nating dalawa ang totoo. Pero si Aeroll, hindi. At pinaniwalaan niya ako. Mas pinaniwalaan niya ako.”Humalakhak pa ito.

“Nababaliw ka na.” Tumalikod na siya nang hablutin nito ang braso niya.

“Hindi pa ako tapos. Marami pa akong gustong sabihin. Alam mo bang gustong-gusto kong nakikitang nasasaktan ka. Katulad ngayon.” Inilapit nito ang mukha sa kaniya. “I told Aeroll na ginamit mo lang siya para paghigantihan ako dahil hindi mo naagaw sakin ang boyfriend ko no’n. Na lahat ng ‘to ay plano mo.”

“Puro kasinungalingan lang ang sinabi mo!”

“Just what I told you, hindi na mahalaga ‘yon. What matters was Aeroll believed me.” Inalis niya ang pagkakahawak nito sa braso niya pero mas lalo lang humigpit ‘yon. “Hindi pa ako tapos. There’s more, Princess.”Ngumisi ito. Binitiwan nito ang braso niya.

“Ano pa bang sinabi mo sa kaniya?!” Walang hiya talaga ‘tong babaeng ‘to!

May kinuha ito sa bulsa nito. At hinarap sa mukha niya. “Taran!” nakangiting sabi nito. “Ang sweet nila noh?”

Nanlaki ang mata niya. Ang nasa picture! Siya ‘yon at si James! Kuha ‘yon ng mapadaan si James sa subdivision nila. In the picture, James kissed her. It was just in the cheek. Pero kung titingnan ang picture, parang sa labi siya hinalikan ni James.

Pigil niya ang galit ng tingnan niya si Chariz. Hanggang tenga ang ngiti nito. Paano nito nakuhanan ang picture na ‘yon? “Are you stalking me?”

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon