Chapter 49

3.7K 45 1
                                    


Umaga. At kapag umaga, nakagawian nang diligan ni Princess ang mga halaman niya sa harap ng bahay niya. Halos patapos na siya ng may pumaradang police mobile sa tapat ng bahay ni Aiza.

Ano na kayang balita sa kaso?

Pumasok na siya ng bahay at hinintay na umalis muna ang mga police officer. Fifteen minutes pa siyang naghintay bago niya narinig ang papalayong tunog ng police mobile. Lumabas siya ng bahay niya at pumunta ng bahay ni Aiza.

“Goodmorning, Ate Aiza.”

“Ikaw pala, Princess.” Umupo siya sa tabi nito.

“Nakita ko po yung mga pulis kanina. May bagong balita na po ba sa kaso?”

Umiling ito. Wala ring naitulong yung plate number ng kotseng bumangga sa asawa nito. Ang sabi ng mga pulis, it was a fake plate number.

“Ano po bang theory ng mga pulis? Hit and run pa rin po ba?”

Tumango ito. “Oo.”

“About the tattoo I saw?”

“Maraming may tattoo sa braso dito sa Pilipinas, Princess.”

“Pero kasi...”

“Princess, aksidente lang ‘yon.”

She sighed. “Gusto ko lang naman pong makatulong.” Twelve years ago, yung aksidente nila ng papa niya, wala siyang nagawa. Ni hindi na nga niya masyadong matandaan ang nangyari ng gabing ‘yon.

“I know. And thanks to you.”

“Kamusta na po ba si Kuya Rod?” Pag-iiba na lang niya ng usapan.

“He’s still in coma, Princess.”


* * * * * * * *


Nasa bahay na siya pero hindi pa rin siya mapakali. Palakad-lakad siya sa loob ng sala niya. “There’s something about that tattoo.” Kagat niya ang daliri niya habang nag-iisip. “Nakita ko uli ang tattoo na ‘yon, eh.”

At dahil writer siya, kung anu-ano ang pumapasok sa isip niya. “Paano kung sinadyang patayin si Kuya Rod? Pero bakit? Anong motibo nila? Wala namang kaaway si Kuya Rod. Mabait siya.” Inalala niya ang mukha ng driver ng kotseng bumangga kay Rod. “Syete naman! Bakit ba kasi hindi ko matandaan ang mukha niya no’n? At kung tama ang pagkakatanda ko, ngumisi siya na parang natuwa siya sa ginawa niya. Baliw ba siya?”

Nasabi na niya sa mga pulis ang mga nakita niya. Pero wala pa rin. At hindi talaga maganda ang kutob niya. Naputol ang pag-iisip niya ang mag-ring ang telepono.

“Hello.”

“Kung ano man ang nalalaman mo, mabuti pang manahimik ka na lang.”

“What? Ano bang sinasabi mo? Hello! Hello!” Wala ng sumagot. Kunot-noong binaba niya ang telepono. “Sino ba ‘yon? At ano bang sinasabi niya? Hindi kaya may kinalaman ‘yon kay—“ Nag-ring ang phone niya. Si James ang tumatawag.

“Hello, James.”

“Goodmorning, Princess. Naistorbo ba kita?”

“Hindi naman. Bakit?”

“Are you free tonight?”

“Wala naman akong gagawin. Bakit?”

“Magdi-dinner kami sa labas nila Dad.” Na-discharge na kahapon ang daddy nito sa ospital. Three days lang ito nag-stay sa ospital. Ayaw kasi nito ng amoy ospital. Parang siya. “He’s inviting you. Okay lang ba?”

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon