Chapter 15

4.7K 58 5
                                    

A/N: Despensa kung now lang nakapag-UD ng LASS, nagkatrangkaso ako eh, but I'm okay now, thank God, hehe ..

- - - - - - - -

Tiningnan ni Aeroll ang relo niya. 3:30 na. Malayo pa ang lalakarin nila papunta ng camp house nila. “Ang tagal naman ng kaibigan mo. Nag-gown pa ba ‘yon?”

Natawa si Cath. “Long…long…long…gown.”

“Iwanan na nga natin ‘yon.”

“Lagot ka pag iniwan natin ‘yon.”

“Siya ang lagot sa’kin.” Tumayo siya at pumasok ng bahay.

“Insan, sa’n ka pupunta?”

“Susunduin ang mahal na prinsesa.”

“Ayii! Susunduin ng prinsipe ang prinsesa niya.” Tinukso pa siya ng dalawa.

Mabilis siyang umakyat ng kwarto nina Princess.

Nasalubong niya ang lola niya. “Hindi pa kayo nakakaalis, Prince?”

“Si Princess po ang tagal, eh.” 

“Susunduin mo ba?”

“Opo.”

“Hay! Ang apo ako…”

Kumunot ang noo niya. ”Bakit po, ‘La?”

“Wala, sige na sunduin mo na ang prinsesa mo.” Tumalikod na ito.

“Kanina ko pa nahahalata, ah. Tinutukso nila ako kay Princess. Lahat sila. And speaking of Priuncess. Ang tagal naman kasi ng babaeng ‘yon.”

Tinungo na niya ang kwarto nito. Hindi na siya nag-abalang kumatok. Kaya laking gulat niya na may kung anong tumama sa mukha niya. Sa bandang baba niya.

“Aray!”

“Patay…”

Napatingin siya sa sahig. Kinuha niya ang bagay na tumama sa mukha niya. Kwintas? Kinuha niya ‘yon.

“Naku po!” Mabilis na lumapit sa kaniya si Princess. Hinawakan nito ang mukha niya. Nakangiwi ito. “Sorry…”

Kumunot ang noo niya. “Princess?”

Napatingala ito sa kaniya. “Sorry talaga.”

Napangiti siya habang nakatitig dito. “Alam mo mas bagay talaga sa’yo ang walang salamin.”

Kumunot ang noo nito. Lumayo ito sa kaniya.

“What do you mean by that? Na pangit ako kapag nakasalamin?”

“Wala akong sinabing ganya—”

“Whatever!”

“Bakit ba nagagalit ka na naman?”

Hindi ito sumagot. May kung anong kinuha ito sa bag nito. At inabot sa kaniya.

“Band-aid? Anong gagawin ko dito?”

Tinuro nito ang baba niya. Napahawak siya sa baba niya. Mabilis siyang lumapit sa salamin. “Sinagutan mo ‘ko!”

“Gasgas lang naman ‘yan, eh.”

Hinarap niya ito. “Gasgas lang? Alam—”

“Ikaw naman ang may kasalanan, eh. Bigla kang pumasok. Hindi ka man lang kumatok.”

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon