Chapter 14

4.6K 74 5
                                    

 

“Ay! Ano bang problema mo?!” angal ni Princess sa kaniya nang mailipat niya ito sa kabilang upuan.

Dedma lang siya. Umupo na siya sa upuan nito. Napapagitnaan niya ito at si Harold. He smiled. Then he noticed the weird look on his grandparents faces. Maya-maya ay napalitan ‘yon ng ngiti. Malapad na ngiti.

 

“What?”

 

“May girlfriend ka ba ngayon, apo?” tanong ng lolo niya.

 

“Wala po, lolo.” Si Harold ang sumagot. Tiningnan niya ito. Ang lapad din ng ngiti nito.

 

“Ikaw, iha. May kasintahan ka na ba?” tanong ng lola niya kay Princess na nakakunot ang noong nakatingin sa kaniya.

Nawala ang kunot ng noo nito at napatingin sa lola niya.

 

“Ano po kasi…”

 

“Wala po siyang boyfriend, lola.” singit ni Cath.

Kumunot ang noo niya. Wala? Hindi ba’t sinabi ni Princess no’ng una silang nagkita na may boyfriend na ito? Ano ‘yon, hindi alam ni Cath?

Nakayuko si Princess na tila may malalim na iniisip. Ano ba talagang totoo? I have to watch you from now on, Princess.

 

“Naku! Edi kayo na lang nitong si Princess.”

 

“Lola.” Hilig talaga nitong mag-playing cupid.

 

“Bagay naman kayo. Isang prinsesa at isang prinsipe. Parang kami ng lolo mo. Remedios at Remedia. Bagay na bagay.”

 

“Sino pong prinsipe, lola?” tanong ni Princess.

 

“Iyang katabi mo.”

Tiningnan siya ni Princess. “Hindi ho siya mukhang prinsipe sa paningin ko.”

Aba’t! Ito na naman po siya. “Mas lalo kang hindi mukhang prinsesa.”

 

“Ayan na naman kayo. Aso’t pusa na naman kayong dalawa.” singit ni Cath. “Di ba okay na kayo?”

 

“Anong okay, honey?”                                                                                          

 

“Ay hindi ko nga pala na-kwento sa’yo. Nagkita na sila bago ko pa sila ipakilala kahapon.”

 

“Hah? Kailan?”

 

“Nagkabanggaan sila sa mall no’ng isang araw.”

 

“Teka, teka.” Nilingon siya ni Harold. “Siya yung babaeng amazonang tinutukoy mo, insan?”

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon