Chapter 30

4.2K 51 4
                                    


Nasa hapag-kainan na sila. Si Aeroll na lang ang hinihintay nila.

“Akala ni Princess, sinusundan mo siya?” natatawang tanong ni lola kay Jed, na nasa tabi ni Princess.

“Yun pala parehas lang kayo ng pupuntahan.” dugtong ni lolo.

“Opo. Napagkamalan pa kong stalker.” sagot ni Jed. Nalaman niyang bestfriend pala ito ni Aeroll. Bagay ang dalawa dahil pareho itong mga pilosopo at antipatiko. She wondered kung paano mag-usap ang dalawang ‘yon.

Nilingon niya ito. “Hindi ko naman kasi alam na dito din ang punta mo.” sambit niya.

“Hindi ko din alam na hindi ka taga-rito.”pang-gagaya nito sa tono ng boses niya. Hindi man lang ngumiti ang loko. Ang damot!

“Teka, nasan na ba si Prince? Bakit hindi pa bumababa?” tanong ni lolo.

“Tatawagin ko na po, lolo.” Tumayo si Harold, pero bago ‘yon, tiningnan muna siya nito. Pilyo itong ngumiti.

Kumunot ang noo niya. Mukhang may kalokohan na naman itong naiisip, ah.

Ilang saglit lang ang lumipas ng bigla na lang siyang masamid. Sunod-sunod pa siyang umubo. Mukhang may nakaalala sakin, ah.

“Okay ka lang?” tanong ni Cath.

Tumango lang siya. “I-inom l-lang a-ako n-ng t-tubig. E-excuse m-me p-po.”

Dumeretso siya ng kusina. At uminom ng tubig. Naubos niya ang isang baso ng madinig niya ang malakas na boses ni Aeroll.

“Anong nangyari kay Princess?!”

Kumunot ang noo niya. Anong nangyari sakin? Nasamid lang naman ako. Saka bakit parang may concern siyang nabasa sa tanong nito.

Kasunod ng tanong ni Aeroll ay nadinig niyang tumawa ng malakas si Harold.

Lumabas na siya ng kusina. Nakita niyang nakatayo si Aeroll. Mukhang halos kakatapos lang nitong maligo dahil tumutulo pa ang buhok nito.  “Bakit?” tanong niya.

Napalingon ito sa kaniya. Tumawa na naman si Harold. Masama ang tinging nilingon ito ni Aeroll. “You…”

“Yes insan. Me.”

Nagtatakang napatingin na lang siya sa mga ito. May nangyari bang hindi ko alam? May tsismis ba akong nakaligtaan?

“Ano bang nangyayari sa inyong magpinsan?” tanong ni lolo.

“Apo, gutom ka na ba at sa sobrang pagmamadali mo baligtad pa ang damit mo? Nakakahiya sa bisita.”wika ni lola. Napatingin siya sa damit ni Aeroll. Baligtad nga ang suot nitong damit.

Napalingon si Aeroll kay Jed. Mukhang ngayon lang nito napansin ang kaibigan nito.

“Long time no see, pare.” nakangiting bati ni Jed. Himala! Ngumiti siya. Mas gwapo pala ito kapag nakangiti. Pero kahit ganon, mas gusto pa din niya si Aeroll.I mean, mas okay pa din si Aeroll. Pilosopo at antipatiko man minsan, hindi ito tipid ngumiti katulad nitong Jed na ‘to.

“Pare! Kailan ka pa bumalik?” Mabilis na lumapit si Aeroll sa tumayong si Jed. Nagyakap pa ang mga ito.

Agad na humiwalay si Jed dito. “Whoah! Masyado mo ba kong na-miss at talagang baligtad pa yang t-shirt mo?” natatawang tanong nito.

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon