Chapter 84

3.3K 44 1
                                    



“I’m your brother.”

Nanlaki ang mata ni Princess. Hindi. Halos lumuwa ang mga mata niya. Napasinghap pa siya at napahawak sa tagiliran niya.

“Princess!—ouch!” Napahawak si Hunter sa braso nito. “Okay ka lang ba?” nakangiwing tanong nito.

Napangiwi siya. “O-okay lang ako.”Dahan-dahan siyang huminga ng malalim. Pinalipas muna niya ang ilang saglit bago nagsalita. “Joke ba ‘to? Paano kita naging kapatid?”

“I’m your half brother.”

“Paano?” Kanino? Sa mama niya o sa papa niya?

“One year bago makilala ng papa mo ang mama mo, nagkaro’n sila ng short affair ni mama. Naging model si mama ni papa sa painting niya.” Huminto ito. “Do I have to tell you the exact details?” nakakunot-noong tanong nito.

Itinaas niya ang kamay niya. “Wait lang. I-aabsorb ko lang ang sinabi mo.” Parang ang hirap paniwalaang kapatid niya si Hunter. Si Hunter. Kapatid niya. Kuya niya si Hunter. Si Hunter na ilag na ilag siya kapag nakikita niya.

“I get it. Bakit hindi sila nagkatuluyan ng mama mo?”

“My mother went to States. Do’n niya nalamang buntis siya. Hindi niya sinabi kay papa dahil ayaw niyang mawala ang focus ni papa sa career nito. Besides, there’s no love binding them. Yun ang sabi ni mama. Hanggang sa mabalitaan na lang niyang kinasal si papa sa mama mo ilang buwan pagkatapos akong ipanganak.”

“Pero nalaman ba ni papa ang tungkol sa’yo?”

“Yes. When I was eight years old. Nang umuwi kami ni mama from States. Alam din ng mama mo. At ng ate mo.”

Nagulat siya. “Pati si Ate?”

“Second year high shool siya ng ipaalam sa kaniya. Bata ka pa no’n kaya pinili nilang wag munang sabihin sa’yo.”

“Pero hindi ko na nalaman.”

“Madaming nangyari. Our father died.”

“He was killed. Hindi siya namatay. Pinatay siya.”

“I know. Alam naming nahirapan kang tanggapin ang pagkamatay niya. Bata ka pa no’n, Princess. Paano mo tatanggapin ang katotohanang pinatay si papa? So, we decided na paniwalaan kang aksidente ang nangyari.”

Napahawak siya sa noo niya. “At all along sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala ni papa.”

“I’m sorry.”

“Alam ba ni ate? Ni mama na pinatay si papa?”

“Yes.”

Pinikit niya ng mariin ang mga mata niya. “Ako lang pala ang hindi nakakaalam.”

“Walang nangyari sa kaso. Ni hindi namin nalaman kung sinong pumatay sa kaniya.”

“Pero bakit hindi mo sinabi sakin? Bakit hindi ka nagpakilala sakin? Bakit wala man lang sinabi sakin si ate? Nagkikita tayo sa office ni James, pero wala ka man lang binanggit?”

“It’s my decision not tell you the truth. Pero binabantayan pa rin naman kita mula sa malayo gaya ng bilin ng ate mo sakin. Tama na rin ‘yon. NBI agent ako, Princess. May mga kaso akong hinahawakan. Mabuti na yung walang nakakaalam na kapatid kita. Hindi ka madadamay kung sakali man.”

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon