Chapter 71

3K 68 1
                                    



Nandito sa harap ng puntod ng magulang niya si Princess. May gusto siyang ipaalam sa mga ito. Itinaas niya ang kamay niya kung sa'n nakalagay ang singsing niya.

"Yes, Pa, Ma. Nagpropose po si Aeroll sakin kahapon." Hanggang ngayon hindi pa rin mawala-wala ang ngiti niya tuwing naaalala niya ang nangyari kahapon sa mall. Ang ginawang proposal ni Aeroll.

"I still can't believe it. Talaga bang ikakasal na ko sa kaniya? Parang ang bilis, eh." Pinikit niya ang mga mata niya. At parang naririnig niya ang magulang niyang nagtatanong ng... 'Masaya ka ba?'

Idinilat niya ang mata niya. "Yes po. I've never been this happy simula ng mawala kayo." Nang may maalala siya. Kinuha niya ang phone niya at nag-long distance call sa ate niya. Maya-maya lang.

"Ate!"

"Princess! Kailangang sumigaw?"

"Sorry." natatawang sabi niya.

"Hmm... I smell something sweet huh. What happened?"

Itinaas niya ang kamay niya na parang makikita nito ang singsing niya. "Nag-propose si Aeroll sakin yesterday."

"I'm so happy for you, sis!"

"Huh? Bakit parang hindi ka nagulat?"

"Sinabi na sakin ni Aeroll nung nasa ospital ka pa. After mong magising. Kaya alam ko na mangyayari 'to na tatawagan mo ko."

"Ate..."

"I'm so happy for you, sis. You really deserved it."

"Thank you, ate!"

"Hulaan ko, nasa puntod ka nila papa noh?"

"Yes. You want to talk them?"

"Hah? Teka-"

"Ila-loud speaker ko 'tong phone." Iyon nga ang ginawa niya.

"Ang weird mo talaga." Narinig pa niyang sabi ng ate niya. "Hi Ma! Hi Pa! Malapit na ring ikasal ang bunso ninyo! Ang malas ng lalaki noh!"

"Ate!"

Tinawanan lang siya nito. "Ma! Pa! Kung nasa'n man kayo ngayon, wag na po kayong mag-alala kay Princess. I'm very sure na aalagaan siya ni Aeroll. I saw with my two eyes. That guy loves your daughter so much. Parang katulad ng pagmamahal ninyo sa isa't isa nung nabubuhay pa po kayo."

"Ate..."Pinunasan niya ang gilid ng mata niya ng maramdaman niyang nagingilid na ang luha niya.

"And Princess. Wag kang umiyak. You should celebrate! And I promise na nandyan ako sa araw ng kasal mo. May date na ba kayo?"

"Hindi pa namin napag-uusapan 'yan. Kahapon lang kaya."

"Bilisan ninyo na. Bago pa matauhan si Aeroll sa'yo. Sige ka."

"Ate!"

"I'm just kidding!" natatawang sabi nito. "Pero, Ma, Pa! Tama naman ako diba?"

"Ate, ah!"

Ang lakas ng tawa nito. Ilang minuto pa silang gano'n na nakikipag-usap sa magulang nila ng magpaalam na ang ate niya. Halos kalalagay lang niya ng phone niya sa bag ng maramdaman niyang may pumatak sa braso niya. Napatingala siya sa langit. "Umaambon na."

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon