Chapter 21

4.5K 57 5
                                    

Sinundan ni Aeroll ng tingin si Princess. Patay na ang papa niya?

“Insan, nadinig mo ba talagang sumigaw si Princess?”

Napalingon siya dito. “Oo naman. Hindi ako bingi. Saka bakit ako gagawa ng kwento para takutin kayo?”

“Honey, hindi din nagbibiro si bhest. Kaya nga ako natatakot, eh.” sambit ni Cath.

“Paano mo naman nasabing papa niya talaga ‘yon?” tanong ni Harold.

“Alam ko yung iniisip ni bhest. Same wave length lang kami no’n. Apat na beses narinig ni Aeroll yung sigaw na kaboses ni bhest. Ang birthday ng papa ni bhest was april 4. Pang apat na buwan din ang april. Nawala din si bhest no’n sa gubat nung bata pa siya. Papa niya yung nakakita sa kaniya. Buhay pa no’n ang papa ni bhest. Pero ngayong nasa langit na si tito, tinulungan niya si Aeroll na mahanap si bhest.”

“Grabe ang wild imagination mo, honey.”

“When did her father died?” tanong niya kay Cath.

“Hmm…Hindi ko na matandaan. Grade four ata or grade five.”

“How?”

“Motor accident.”

“Kaya siya takot sumakay sa motor?”

“Oo. Tito died on the spot. Nakaangkas sa kaniya si bhest. Nakaligtas si bhest.”

Kaya pala takot na takot siya kanina. Kaya pala. Tapos pinatakbo ko pa ng pagkabilis-bilis yung motor. Argh! How insensitive you are, Aeroll!

Tumayo siya. “Sa’n ka pupunta insan?” tanong ni Harold.

“Sa loob.”

“Tayo din, Harold. Pasok na din tayo. Nakakatakot dito.”

“Shhh…dito lang tayo, honey. Akong bahala sa’yo. Makaistorbo pa tayo sa moment ng prinsipe at ng prinsesa.”

Napapailing na iniwan niya ang mga ito. Naabutan niya sa kusina si Princess. Nakatalikod ito at nakasandal na tila may sinasabing hindi naman umabot sa pandinig niya.

“Princess…”

Napalingon ito sa kaniya. Kumunot ang noo niya ng makita ang ekspresyon ng mukha nito na para bang hindi nagustuhan ang nakita nito.

“Bakit?”

Bakit nga ba siya nandito? He cleared his throat. “I just want to say…uhm…” Ano ng ba?

“Ano nga?

”Wala. Nakalimutan ko na.” Tumalikod na siya.

“Aeroll.” Napalingon siya.

“Bakit?”

“Thank you for finding me.”

Napakurap siya. Bakit parang iba ang pakahulugan niya sa sinabi nito?

“Thanks to you father.”

Napangiti ito. “Naniniwala ka ba do’n?”

Nagkibit-balikat siya. “Mga bata pa lang kami, marami ng kwento-kwento tungkol sa lugar na ‘to. Hindi ako naniniwala pero ngayon, dahil ako na ang naka-experience no’n. Naniniwala na ako. Nakakatakot mang isipin na ang papa mo talaga ang sumigaw no’n. I’m just glad, because of that, I found you.”

Hindi na ito sumagot. Tumalikod lang ito at sumandal sa mesa. Ilang saglit ng katahimikan ang dumaan ng madinig niyang magsalita uli ito.

“I miss him. Namimiss ko na si papa…” Napasigok ito.

“Princess…”

Nakita niyang inalis nito ang eyeglass nito. Tumingala ito. Kahit hindi niya nakikita ang mukha nito. Alam niyang umiiyak ito. Umiiyak na naman. Argh! Napaka-iyakin naman nito. Amasonang iyakin.

“Siguro alam niyang kailangan ko siya ngayon kaya nagparamdam siya. Kahit hindi siya sakin nagparamdam. Okay lang. Basta…” Napasigok na naman ito. “Basta alam kong nagparamdam siya. Ang gulo, ‘no?” Natawa pa ito ng pagak. Pero napasigok na naman ito. Napailing siya. Ayaw pang iiyak.

Lumapit na siya dito. At tumabi sa mesang kinasasandalan nito. Nakatingin sila pareho sa bintanang nasa tapat nila.

”Bata pa lang ako no’n, siya na ang laging sumbungan ko kapag may umaaway sakin. Kapag may nananakit sakin. Kapag may…” Marahas na pinahid nito ang mga luha nito. “Bwisit!”

Sino bang nanakit sa’yo? Siya ba ang dahilan ng makita kitang umiiyak sa terminal ng bus? Siya ba!? Argh! Bakit ba ako naiinis ng ganito?

“Hoy! Hindi ako iyakin, ah. Matapang ako! Matapang—”

Niyakap na niya ito. “Oo na. Matapang ka na. Ikaw na.”

“Matapang talaga…” Napaiyak na ito. “…ako.”

“Sige lang, iiyak mo lang ‘yan. Kung nahihiya ka sakin. Isipin mong wala ako dito. Iisipin ko namang wala akong nadidinig at nakikita. Isipin mong poste itong kinasasandalan mo. Isipin mong ako ang papa mo. Itodo mo na ‘yan.”

Yumakap na din ito sa kaniya. “Papa…miss na po kita…sobrang miss na miss na kita…niloko niya po ‘ko ‘Pa…” parang batang sambit nito habang umiiyak.

Napabuntong-hininga siya. Sino ba talaga ang nanakit sa’yo? Sino?!

“Papa…”

“Shhh…everything will be gonna okay. I promise.”

* * * * * * * *


KINAUMAGAHAN.

“Tara na, bhest.”

“Wait lang. Eto na.” Kinuha ni Princess ang back pack niya at sumunod na kay Cath. Tinanghali na siya gising. Paano ba naman hating gabi na ata sila nakatulog kagabi ng mga ito. Tapos ang sabi pa ni Aeroll, maaga daw silang magising. Mainit na daw masyado kapag inabot sila ng sikat ng araw.

Maaga daw, inabot naman sila ng hatinggabi sa pagkukwentuhan sa harap ng bonfire. Puro nakakatakot pa yung mga kinukuwento nito at ni Harold. Ayun, kahit gusto na nilang matulog ni Cath, hindi naman sila makapasok ng bahay dahil sa mga naririnig nilang kwento ng mga ito.

%2

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon