Chapter 47

3.9K 43 1
                                    

Pagmulat ni Princess ng mata, ramdam niyang hindi maganda ang tulog niya. Saka lang niya napansing may hawak siya. Pagtingin niya sa kamay niya, nagulat pa siyang cellphone ‘yon. Not her cellphone but Aeroll’s phone. Nadala pala niya ‘yon kagabi ng hindi niya namamalayan.

Bumangon na siya at lumabas ng kwarto niya. Wala na si Aeroll sa baba. Wala rin sa kusina ng silipin niya. Pagbalik niya sa sala, may nakita siyang papel sa ibabaw ng center table. Kinuha niya ‘yon at binasa.

Goodmorning, Prinsesa! Buti na lang may ballpen at notebook dito. Uhm, How’s your sleep? Ako? Hindi okay. Nangawit ang likod ko sa sofa. Grabe ka talaga! Wala ka talagang ka-sweetan sa katawan mo noh? Hindi mo man lang ako binigyan ng unan. :)) Bilang ganti, hindi kita pinagluto ng breakfast mo. Nah! I’m just kidding. May duty pa kasi ako, eh. Kung wala lang akong duty, pinagluto na kita. Uhm! By the way, have you seen my phone? Ang alam ko dala ko siya kagabi pero hindi ko siya makita kanina. Gusto sana kitang tanungin, kaya lang baka pag pumasok ako ng kwarto mo, hindi na ko makalabas. Hahaha! Joke lang! Nakasimangot ka na naman dyan! So, ahm, see you later. :))

Akala niya ‘yon lang yung nakasulat. Pero napansin niya ang likod ng papel, mero’n pa pala.

P.S. I love you.

Hindi niya mapigilang mapangiti sa sulat nito. Parang love letter kung iisipin sa haba. Pero agad ding nawala ang ngiti niya ng mapatingin siya sa phone ni Aeroll na hawak pa rin niya. Binitiwan niya ang phone sa ibabaw ng sofa at tiningnan kung anong oras na. 8am na. Tamang-tama, magpapasa siya ng manuscript sa Manila.

Lumapit siya sa bintana at sumilip. Hindi na masyadong masama ang panahon. Maliwanag na pero may konting ambon pa rin. Napalingon uli siya sa phone ni Aeroll na nasa sofa. Hanggang ngayon, natatandaan pa rin niya ang pangalang ‘yon.

“Chariz. Sino ka ba sa buhay ni Aeroll?”


* * * * * * * *


Nasa nurse station si Aeroll at hawak ang isang chart ng pasyente niya ng may tumabi sa kaniya.

“Aeroll, pwede bang paki-abot ‘yon?” Hindi lumilingong inabot niya dito ang cotton. “No, the other one.” Yung lalagyan ng syringe ang inabot niya dito. “Hindi ‘yan.”

Nilingon niya ito. “Chariz.” Nginitian lang siya nito. “Why don’t you get it by yourself?”

“Hindi ko abot, eh. Saka masakit ‘tong braso ko. Remember what happened yesterday at the seminar? I slipped.”

Pero parang may ibang meaning ang sinabi nito. Hindi siya manhid para hindi ma-gets ang tinutukoy nito. “Ano bang pinapaabot mo?”

Itinuro nito. Kinuha naman niya. Pero humirit pa talaga ‘to bago umalis. “Have you read my message last night?”Kumunot ang noo niya. “It’s true. Ikaw lang ang gusto ko.” bulong nito sa kaniya.

Mas lalong kumunot ang noo niya. Anong message? Wala naman siyang nabasa? Nasa’n ba kasi yung phone niya? Ang sabi ng mama niya pag-uwi niya kanina, nakausap pa daw nito sa Princess last night which means na dala niya ang phone niya kagabi at hindi niya nakalimutan sa bahay nila. Ang tanong, nasa’n ang phone niya? Bakit hindi niya makita kanina ng magising siya?

“Have you read my message last night? It’s true. Ikaw lang ang gusto ko.”

Shit! Baka mabasa ni Princess ang text na ‘yon, kung anumang text na ‘yon. Pero hindi naman siguro. Hindi naman siguro siya magbabasa ng message ng iba.

Naputol ang pag-iisip niya ng may lumapit na babae sa kaniya. “Nurse, paubos na po yung dextrose ng asawa ko.” Sinabihan niya ito kanina na tawagin siya pag paubos na yung dextrose na nakakabit sa asawa nito.

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon