Chapter 54

3.5K 46 1
                                    

Hindi alam ni Princess kung pagsisipain uli ang lalaki o ihahambalos ang hawak niyang flash light dito nang tuluyang tumambad sa kaniya ang pagmumukha nito. Pero hindi na niya initindi kung anong gagawin dito dahil mas nakahinga siya ng maluwag knowing na hindi ito masamang tao. Although, hindi naman talaga sure kung mabuti nga itong tao.

“Okay ka lang, Princess?” Tumihaya siya ng higa sa sahig at huminga ng malalim.

“Do you think I’m okay? Muntik mo na kong patayin sa nerbiyos.”

“Eh, ikaw? Muntik mo na kong pilayan sa sipa mo. Ang lakas mo, ah. Ang sakit ng braso ko sa’yo.”

“It’s your fault. Kung nagpakilala ka agad, hindi sana kita nabugbog ng sipa ko.”

“Ganito ba?” Tumikhim ito. “Hi, Princess! I’m Ash! Nice seeing you here! What are you doing here? Ito ba ang part time job mo? Member ka ba ng akyat bahay gang? Ako din, eh. Magkalaban pala tayo.”

“Sira ulo!”

“You shouldn’t talked to an NBI agent like that.”

“Yeah right. You’re a photographer, remember?”Bumangon siya sa pagkakahiga at nag-indian seat. “Pero sana sinabi mo ng ikaw ‘yan, hindi yung tinakot mo pa ko.”

“Alam mo hindi kita maintindihan. Ang tapang mong pasukin ang bahay na ‘to tapos matatakot kang may ibang tao dito.”

Saglit siyang natahimik sa sinabi nito. “I don’t know na may ibang tao din dito.” Nilingon niya ito. Nakikita niya ang mukha nito dahil nakatapat sa kanila ang liwanag ng flash light. “Teka, ikaw ba ang may gawa niyan?”sabay turo sa mga nagulong gamit.

“Hindi ako. Marunong ako magligpit ng kalat ko kapag nagkakalat ako. Baka ikaw.”

“Mas lalong hindi ako.” Kumunot ang noo ko. “Eh, sino?”

Nagkibit-balikat ito. “I don’t know.”

“Hindi kaya yung—”

“Ninakawan siguro ang bahay na ‘to.” Habang nililibot nito ang tingin sa kwarto.

“Sa tingin mo?”

“Maybe.” Nilingon siya nito. “Eh, ikaw? Anong ginagawa mo dito?”

“Naghahanap ako ng clue. Eh, ikaw?”

“Same.”

“May nahanap ka?”

“Ba’t gusto mong malaman?”

“Masama bang magtanong?”pagtataray niya.

“Alam mo ang tapang mo talaga. Pero sana bago ka gumawa ng mga bagay, think twice, iha.”

“I think thrice.”

“Mukhang hindi.”Humikab ito at humiga sa sahig.

Tumayo naman siya at nagsimulang maghalughog uli sa kwarto. Fifiteen minutes na ang nakakalipas pero wala siyang makita ni kahit anong clue. Ito ang mahirap, eh. Naghahanap siya ng clue na hindi naman niya alam kung anong clue ang dapat niyang hanapin.

“Ash?” Hindi ito sumagot kaya tinapat ko ang flash light sa mukha niya.

“Hey! Nasisilaw ako, ah.”

“Edi sumagot ka din. Wala ka ba talagang nakuhang clue dito?”

“Wala ka bang nalaman tungkol sa lalaking may tattoo na sinasabi mo?”

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon