Chapter 53

3.6K 50 5
                                    

“Papa, gusto ko ng chocolate.”

“Naubos muna yung chocolate na binili ko sa’yo.”

“Pero, papa. Gusto ko ng chocolate. Bili tayo sa labas.”

“Gabi na, baby. Bukas na lang.”

“Pero papa gusto ko po ngayon. Saka eight pa lang po. Maaga pa. Sige na po.” Kumapit pa siya sa braso nito.

“Pero baby.”

“Please...”

“Sige na nga.” Ginulo nito ang buhok niya.

“Thank you, papa.” Hinalikan niya ito sa pisngi. “Mahal na mahal mo talaga ko noh?”

“Yes, my princess.”

Nagmotor sila ng papa niya. Nakasakay siya sa likuran nito habang nakayakap ng mahigpit sa beywang nito. “Kumapit ka lang, baby.”

“Opo!”

Kumakanta pa sila ng papa niya ng may kung anong nakakasilaw na palapit sa kanila. Pinikit niya ng mariin ang mata niya. Naramdaman na lang niyang may yumakap sa kaniya at parang tumama sa kung saan ang katawan niya. Idinilat niya ang mga mata niya. Mukha ng papa niya ang nakita niya. May dugo sa mukha nito. Hinawakan niya ang mukha nito. Hindi siya makapagsalita.

Dumilat ang mata ng papa niya. “O-okay ka lang, ba...by?”

Tumango siya kahit ramdam niyang may masakit sa kaniya. Biglang dumilim ang paligid. Pagdilat niya ng mata, nakaharap na siya sa isang malaking salamin. Nakikita niya ang reflection niya. Dalaga na siya. Tapos unti-unting naging batang babae. Batang babaeng duguan. Siya ‘yon! Siya ang batang babaeng ‘yon!

“Wala kang ginawa...”

Wala kong ginawa? Gusto niyang magsalita pero walang lumalabas na boses sa bibig niya. Hanggang sa magbago ang reflection sa salamin.  Ang batang babae ay naging lalaki. Duguang lalaki. Ang papa niya!

“P-pa...”

“Tulungan mo ko, Princess...” Unti-unting lumayo ang papa niya. Sinubukan niya itong habulin. “Tulungan mo ko...”

“Papa!”

Napabalikwas ng bangon si Princess. Habol niya ang paghinga niya. Nanginginig ang bibig niya pati kamay niya. Pawis na pawis din siya. Ilang saglit muna ang pinalipas niya bago tumayo mula sa sofa. Pumunta siya ng kusina at uminom ng malamig na tubig. Nanghihinang sumandal siya sa ref.

“Napanaginipan ko na naman ‘yon.”

Alam niya kung bakit. THREE DAYS from now, 12th YEAR ANNIVERSARY na ng papa niya. At tuwing malapit na ang death anniversary ng papa niya, lagi niyang napapanaginipan ang eksenang ‘yon. Ang eksenang ‘yon na nangyari twelve years ago. Laging gano’n ang napapanaginipan niya.

Pero may kakaiba ngayon sa panaginip niya, ang eksenang ‘yon na nakaharap siya sa salamin.

Bumalik siya ng sala at umupo sa sofa. Kinuha niya ang sulat ni Aiza na nahulog sa sahig. At muli ‘yong binasa.

Princess, I’m sorry kung hindi na ko nakapagpaalam sa’yo. Alam ko namang maiintindihan mo ko. Biglaan ang pangyayari kay Rod. Hindi ko matanggap na iniwan na niya ko ng tuluyan. Pina-cremate ko agad ang labi niya para mapadali ang pagdala ko sa kaniya sa States. Nando’n ang pamilya niya. Nando’n din ang pamilya ko. Pinasara ko na ang case ni Rod. I need to accept na wala na talaga siya. I need to move on, kahit masakit. Thanks for everything, Princess. Thanks for being a little sister to me. I’m sorry kung nadamay ka sa gulong ‘to. Keep safe.

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon