Chapter 2

7.5K 95 1
                                    

“Bhest, hintayin mo naman ako. Ang bilis mo namang maglakad.” Napalingon si Princess kay Cathrine. Hinintay niya ito. Ang bagal naman kasing maglakad. Humawak ito sa braso niya ng makalapit ito sa kaniya. Kakapasok lang nila ng entrance ng mall. Inaya siya nitong bumili ng babaunin nila. Bukas na ang alis nila. Mahal daw ang mga tinda sa barko. Napangiwi siya. Mabanggit lang ang salitang barko, nahihilo na siya.

“Saan tayo?” tanong nito.

“Hmm… Watch na muna tayo ng movie.”

“Ay, sige.” excited na wika nito. “Matagal na tayong hindi nakakanood, eh. Puro pirated na lang.”

Natawa siya. “Sira, madinig ka. After nating manood saka na tayo mamili ng babaunin natin.”

“Okidoki, bhest. Let’s go.” sambit nito. Pumunta na sila sa movie theater ng mall.


- - - - - - - -


“HAY, SALAMAT! Bakasyon ko na.” wika ni Aeroll pagkalabas niya ng ospital na pinag-du-duty-han niya.

“Buti pa ikaw, pare.” wika ng co-nurse niya.

Napatingin siya dito. “Ikaw naman kasi inubos mo ang leave mo. Eh, ako naipon ko ‘yong leave ko.”

Napakamot ito ng ulo. Tinapik niya ito sa balikat ng nasa tapat na siya ng kotse niya. “Sige, pare. Una na ako.” aniya dito.

“Sige. Ingat.”


- - - - - - - -


“NAKAKAKILIG talagayung movie, parang yung story namin ni Harold. Love at first sight.” sambit ni Cathrine matapos nilang makapanood.

“Oo na. Nagugutom ako. Kain muna tayo.” aya niya.

“Daan muna tayo sa rest room. Kanina pa ‘tong pantog ko, eh.”

Napailing siya. “Ano ka ba? Masama ang magpigil. Pag naiihi ka na, go.” payo niya dito.

“Eh, hindi ko maiwan ‘yong palabas kanina, eh.” dahilan nito. “Bilis, bhest!” Hinawakan nito ang kamay niya at hinila na siya.

“Oo. Wait lang.” sambit niya. Nang makarating sila ng rest room. “Dito na lang kita sa labas hihintayin.” wika niya.

“Hindi ka ba mag-aayos?” tanong nito. Nakatingin ito sa buhok niya.

Napahawak siya sa buhok niya. Naka-pony tail ang mahaba niyang buhok at may ilang hiblang nahulog sa gilid ng mukha niya. “Gulo look ang tawag diyan. Uso ‘yan, okay.”

Napailing ito. “Bakit ba suot mo na naman ‘yang eyeglass mo? May contact lens ka na ‘di ba?” tanong nito. Malabo ang mata niya. Medyo blurred kapag wala siyang suot na eyeglass o contact lens na may grado. Dati eyeglass lang ang gamit niya, pero itong bestfriend niya. Sinabihan siyang mag-contact lens na lang daw siya at hindi na uso ang eyeglass ngayon.

“Tinatamad akong magsuot ng contact lens kanina.” sagot niya. “Teka, iihi ka ba o makikipagchikahan sa’kin?”

“Iihi.” Inabot nito ang bag nito sa kaniya at pumasok ng restroom.

“Taga-hawak ba ako ng bag niya? Pwede naman ipasok sa loob. May sabitan naman sa loob ng cubicle.” bulong niya. Nang marinig niyang may nag-ri-ring na phone. Tiningnan niya ang phone sa body bag niya. Wala naman. Napatingin siya sa bag ni Cathrine. Mukhang sa phone nito may tumatawag. Binuksan niya ang bag nito at akmang kukunin ang phone nito ng may biglang bumangga sa likod niya. Nabitiwan tuloy niya ang bag ng kaibigan niya at naglabasan ang mga laman no’n sa sahig.

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon