Chapter 73

3.3K 38 0
                                    

Napasunod na lang si Aeroll ng tingin kay Princess hanggang sa makalabas ito ng study room. He sighed. Lumapit siya sa table at umupo sa gilid no’n. Tiningnan niya si Chariz. “Don’t try my patience, Chariz. We’re not playing here. Ano ba talagang totoo?”

“That I’m not the one who tried to kill her.”

Pinikit niya ng mariin ang mga mata niya. “Thanks to my patience, Chariz. Dahil kung hindi, nasaktan na kita kanina pa. You almost killed her!”

Napakislot ito sa lakas ng boses niya. “Sinabi ko lang na hindi totoo ang mga sinabi ko dahil natatakot akong magsumbong siya sa mga pulis. Mag-iimbestiga sila.”

“Dahil natatakot kang malaman nila ang totoo na may kinalaman ka sa aksidenteng ‘yon?”

“Natatakot akong malaman ng taong may gawa no’n sa kaniya na magsusumbong ako. Hindi ko sinabi kanina. Pero bago pa ko mag-resign, may kotse ng umaaligid sa tapat ng bahay ko. Kaya inabot ng buwan bago ko humarap sa inyo. Nag-lie-low muna ako. At nagdadalawang isip din ako kung sasabihin ko ba sa inyo ang mga nakita ko ng araw na ‘yon. Natatakot din ako.”

“Then why did you told us now? Hindi ba’t galit ka kay Princess? Bakit hindi ka na lang umalis ng bansa na walang paalam?”

“Dahil alam kong hindi ako patatahimikin ng konsensya ko.”

“How about those rude things you did to her in the past until now, hindi ka ba nakokonsensya sa mga ‘yon?”

“Buhay na ang pinag-uusapan dito. Gusto ko lang siyang saktan at inisin no’n. Inaamin kong maldita ako. But I swear to God na hindi ko kayang gawin ang bagay na ‘yon. Hindi ko kayang pumatay ng tao. Nurse ako, Aeroll. Buhay ang hawak ko. I can’t take away anybody’s life dahil lang sa naiinis ako sa taong ‘yon.”

Humalukipkip siya. Pero hindi siya nagsalita. He was still analyzing those things she had said.

“Aeroll, believe me. Hindi ko kayang pumatay.”

“I believe na hindi mo kayang pumatay. Pero mas gugustuhin ko pang maniwalang ikaw ang may gawa no’n.”

“Aeroll!”

“You know why? Because just thinking that someone out there was trying to kill her, that something might happened to her again, it really...” Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya. Mahigpit na kinuyom lang niya ang kamao niya. “Just make sure na wala kang kinalaman sa nangyari. Because I will hunt you kahit sa’ng lupalop ka pa ng mundo.”

“You really love her that much, huh? Ngayon lang kita nakitang ganyan. I don’t know what is happening. But Aeroll, ipapahamak ka lang niya. Kung sino man ang may gawa no’n sa kaniya. At kung bakit niya ginawa ‘yon sa kaniya.”

“I know what I’m doing, Chariz. And you don’t have the right to tell me what to do pagkatapos ng mga ginawa mo.”Dahil alam niya ang mga nangyayari. Alam na alam niya.

Napailing ito. “What’s with her? Bakit siya pa?”

“Dahil totoo siya sa sarili niya. Siya lang ang babaeng walang pakialam na sagut-sagutin ako dahil alam niyang nasa katwiran siya. She didn’t have to please me just for me to become aware of her presence. Kahit wala siyang gawin, napapansin at napapansin ko pa rin siya. Kahit nasa tabi lang siya—”

“Enough, Aeroll. Tama na yung mga narinig ko. You love her. Period. I get it now.” Napailing ito. ”I never had any lucky when it comes to love. Lahat ng bagay, nakukuha ko pero hindi ang bagay na ‘yon. At hindi totoo ang sinabi mong napunta ang atensyon ko no’n sa’yo dahil ikaw lang ang lalaking nangdededma sakin. That’s a bit yes. But still, the truth was, I’ve fallen in love wth you. Pero hindi sapat ‘yon para ipahamak ko ang sarili ko. At ipagpilitan ko ang gusto ko. Tama si Princess, hindi ko makukuha ang lahat ng gusto ko. At ikaw ‘yon.”

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon