Prologue

11.6K 131 10
                                    


“Bakit ka ba nakaharang sa dadaanan ko?!” inis na wika ng lalaki sa kaniya. Unti-unti siyang humarap dito. Kumunot ang noo nito. “Miss, binagyo ba ‘yang buhok mo?” tanong nito.

Nagpameywang siya at tiningala ito. Matangkad kasi ito sa kaniya. “Hoy! Lalaki! Ang kapal ng mukha mo! Ikaw na nga itong nakabangga sa akin, ikaw pa itong may ganang mainis!” singhal niya dito. “At wala kang pakialam kung bagyuhin man itong buhok ko!” Ang kapal nito, ah!

Kumunot ang noo nito. “Miss, nakita mong daanan ito tapos nakaharang ka pa.”

“Bakit binili mo ba ‘tong daanan na ‘to? Pag-aari mo ba ang mall na ‘to?” Napatingin siya sa phone nitong hawak. Humalukipkip siya. “Kaya naman pala. Kausap mo ang girlfriend mo kaya mo ako nabunggo. Ikaw ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo.”

“Hindi ko girlfriend ang kausap ko. Ikaw ang nakaharang. May salamin ka na nga, hindi mo pa nakitang nakaharang ka sa daan.”

Naningkit ang mata niya. Dinutdot niya ang ilong nito. “Bakit pati salamin ko sa mata pinapakialaman mo, hah?! Eh, ikaw? Mataas ba ang araw at naka-sun glass ka?” Tiningala niya ang ilaw sa kisame bago ibalik ang tingin dito. “Mataas nga. O baka naman siguro, may sore eyes ka.” Agad siyang lumayo dito at baka mahawa pa siya.

* * * * * * * *

Grabe ‘tong babaeng ito. Ngayon lang siya nakaharap ng ganitong babae. Napaka-lakas mam-bwisit! Inalis niya ang sunglass niya. Sinuot lang naman niya kanina ‘yon dahil nasisilaw siya sa araw kanina. Puyat pa siya sa duty. Masakit sa mata kapag tumatama ang sikat ng araw.

“Sinong may sore eyes, hah?”tanong niya dito. Inirapan lang siya nito. Aba’t! Babae ba ‘to? Kung ibang babae lang kinilig na makita lang ang mukha niya tapos eto? Irap lang ang sinagot sa kaniya. Napailing na lang siya. Hindi na siya nakatiis at tinanong ito. “Miss, tomboy ka ba?”

Nanlaki ang mga mata nito sa tanong niya. Maya-maya’y tiningnan siya na parang gusto nang dukutin ang dila niya. “Kung mukha akong tomboy, mukha ka namang bakla!”ganti nito sa kaniya.

Natawa lang siya. “Ako bakla? Sa gwapo kong ito.”

Natawa ito ng pagak. At tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “Ikaw gwapo?”Tinanggal nito ang salamin nito sa mata. “Kapag wala akong salamin, pwede pa siguro dahil blurred ang nakikita ko.” Isinuot ulit nito ang salamin nito.

Ang lakas nitong mang-insulto, ah. “Alam mo kung lalaki ka lang, pinatulan na kita.”

“Alam mo kung lalaki lang ako, mata mo lang walang latay.” ganti nito. Kumunot ang noo niya. Huminga siya ng malalim. Kinuha na lang niya ang mga nahulog na gamit nito. “Hep! Huwag mong hawakan ‘yan!” pigil nito sa kaniya.

Binitawan niya ang gamit nito. “Ikaw na nga ang tinutulungan, ikaw pa ang galit.”

“‘Di ba galing ka sa restroom? Baka mahawaan mo ng germs ‘yang mga gamit ko.”

“Iba ka din, ‘no? Saang planeta ka ba nanggaling?”

“Sa Earth. Ikaw siguro sa Pluto.” sarkastikong sagot nito.

Napakamot siya ng noo. Nakakainis ka na, ha.Miss, may galit ka ba sa mundo?” tanong niya.

“Sa’yo.” sagot nito.

“Siguro wala ka pang boyfriend ‘no? Kaya ganyan ka kasungit. Tatanda kang dalaga niyan, Miss. Sabagay, mukha naman ngayon.”ganti niya dito nang matahimik na ito.

“Aba’t!” Sinimulan nitong pulutin ang mga gamit na nahulog sa bag nito. Pagkatapos ay hinarap siya. “FYI, may boyfriend na ako.” Hinawakan nito ang manggas ng uniform niya. “Puti nga ang suot mo, maitim naman ang ugali mo. Gagawin kitang pagong sa nobela ko!” Iyon lang at tinalikuran na siya nito at pumasok sa restroom ng babae.

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon