Chapter 52

3.4K 51 1
                                    


“Prinsesa.”

“Bakit?”

Hinawakan ni Aeroll ang balikat ni Princess. “Tumingin ka sa dinaraanan mo.” Napakurap siya. Mabubunggo na pala niya yung kotseng nananahimik na nakaparada dito sa parking lot.

“Sorry.”

Iniharap siya nito. Nakakunot ang noo nito. “Ano bang iniisip mo, hah? Kanina habang nanonood tayo ng movie, wala naman yung atensyon mo sa pinapanood natin.”

“Wala.”

“Kung tungkol na naman ‘yan kay Mr. Ferrer—”

“Hindi.” Iniisip talaga niya kung anong ginagawa ni Hunter dito sa Bulacan. Hindi ba dapat nasa trabaho ito. At sa Manila ‘yon. Hindi lang kasi maganda ang vibes niya dito.

“Princess.” Napatingin siya kay Aeroll ng iangat nito ang baba niya. “Simula ngayon, tigilan mo na ‘yang kaso ni Mr. Ferrer. I’m serious.”

“Pero...”

“Sana pala hindi na lang kita pinayagan na makipag-usap sa NBI agent na ‘yon kanina.”

“Aeroll naman...pagtatalunan na naman ba natin ‘to? Sinabi ko na sa’yo diba? Gusto kong makatulong kay Kuya Rod.”

“Wala ka namang nakuhang sagot diba? Mas lalo ka lang na-curious sa kaso niya.”

“Dahil may something sa aksidenteng ‘yon.”

Marahas na napabuntong-hininga ito. “Kinakabahan ako sa’yo, eh.” Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya. “Hindi mo ko laging kasama sa lahat ng oras. May trabaho ako. Paano kung may masamang mangyari sa’yo dahil sa katigasan ng ulo mo habang hindi mo ako kasama?”

“Nothing will happen to me, Aeroll.”

“Kaya mag-promise ka sakin na titigilan mo na ‘yang kaso ni Mr. Ferrer.”

“Aeroll...”

“Promise me.”madiing sabi nito.

“I...” Parang ayaw niyang mag-promise. Pero tama ito, paano kung may masamang mangyari sa kaniya? Idagdag pa ang itsura ngayon ni Aeroll. “I promise.”

“Good.” Mukhang nakahinga ito ng maluwag. Pero gano’n pa rin ang mukha nito. Wala sa mood.

“Ahm, Aeroll.”

“What?”

Ngayon lang niya napansing hindi niya dala ang pinamili niyang grocery kanina. Pinaiwan niya ‘yon sa  baggage counter. “Yung pinamili kong grocery, nakalimutan ko.”

“Ang lalim kasi ng iniisip mo kanina pa. Ako na lang ang kukuha. Hintayin mo na lang ako sa kotse.”

“Pwede bang pakidaanan na lang ako sa video city sa tapat nitong mall? May isosoli lang ako.”

“May video city naman dito sa mall, ah.”

“Hindi ko naman dito hiniram. Sa labas ako humiram.”

“Basta. Hintayin mo na lang ako dito.” Tumalikod na ito.

“Ginagawa naman akong bata.” bulong niya. Tinext na lang niya ito na daanan siya sa video city sa harap lang ng mall. Dumeretso na siya do’n. Pero sarado naman.

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon