Chapter 69

3.4K 43 1
                                    


Hindi mawala-wala ang ngiti ni Princess habang pinagmamasdan ang mga taong nasa loob ng kwarto, kung sa’n siya naka-confine sa loob ng ilang linggong pananatili niya sa ospital, na walang humpay sa kwentuhan at asaran. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari sa kaniya. She was in coma for one week after that incident.

That incident. Wala pang nakakaalam sa mga ito sa tunay na nangyari ng araw na ‘yon. All they know was nawalan siya ng control sa manibela. No. Mero’n pa lang isang nakakaalam. Si Aeroll. At ang sabi nito sa kaniya, ito na ang bahala sa taong may gawa no’n sa kaniya. Ang taong ‘yon ay walang iba kundi si Chariz.

“Pagalitan mo nga ‘yang si Aeroll, Princess.”

Napalingon siya kay Harold. “Bakit naman?”

“Nag-hunger strike ‘yan nung natutulog ka.”Natutulog as in comatose.

Binatukan ito ni Aeroll. “Paulit-ulit ka na lang, hah! Ilang beses mo na bang sinabi ‘yan?”

“Aray naman, insan! Cath, oh!”

“Unli ka kasi, eh.”

“Kawawa ako, ah. Pinagtutulungan ninyo ko.”

“Don’t worry, Harold. Pag nakalabas na ko dito, isang araw kong sesermunan ang pinsan mo.”

“Yes!” Tumalon pa ito na parang bata. “Mamaya na ‘yon kasi lalabas ka na ngayon. Goodluck, Aeroll!” Tama ito. Lalabas na siya mamaya. Inaasikaso lang ni ate ang bill niya. Ang Ate Angel. Nagulat pa siya ng malamang nandito ito sa Pilipinas. Tinawagan daw ito nila Cath at Aeroll nung mga panahong comatose siya.

“Prinsesa naman.” reklamo ni Aeroll sa kaniya. Lumapit ito sa kama at umupo sa tabi niya. “Totoo ba?” tanong pa nito.

“Oo.”

Ngumiti ito. “Okay lang.” Sabay haplos ng pisngi niya. “Ang importante, gising na ang prinsesa ko.”

“Ang cheesy ninyo naman!”

Napalingon siya sa pintuang nakabukas. Si Shanea na hanggang tenga ang ngiti. Ito ang nagsalita kanina. Kasama nito ang ate niya.

“Pwede ka nang lumabas, Princess.” sabi ng ate niya.

Kinuha nila Cath at Harold ang mga bulaklak na nasa table. Galing ang mga ‘yon kay James at sa daddy nito. Pati ang tatlong basket ng prutas na galing sa kasamahan niya sa trabaho na dumalaw din sa kaniya kaninang umaga ng malamang lalabas na siya. Para nga silang mga isda sa loob ng sardinas sa dami nila kanina sa kwarto.

Pati si Tito Fred na nalaman ang nangyari sa kaniya ay kinamusta din siya. Sa katanuyan nga, kakatawag lang nito kanina para kamustahin siya. Hindi lang ito makadalaw dahil out of the country daw ito. Si James at ang daddy nito ay dalawang beses nang nakadalaw sa kaniya, pagkatapos niyang magising sa pagkaka-coma. At tuwing dadalaw ang mga ito, laging wala si Aeroll kaya hindi napang-aabot ang mga ito.

“Let’s go, guys! Sawa na ko dito sa ospital.” Kinuha niya ang saklay niya ng agawin ‘yon sa kaniya ni Aeroll. “Aeroll.”

Ngumiti ito. “Buhatin na lang kita.” Binuhat nga siya nito para ilipat sa wheelchair. Hindi pa kasi natatanggal ang benda niya sa paa hanggang tuhod niya. In a few days, ay pwede na daw yung tanggalin sabi ng doctor.

Lihim siyang napatingin sa ate niya na nakangiti sa kanila. “Kahit kailan ka talaga.” bulong ko.

Hinaplos lang ni Aeroll ang buhok niya bago ito pumwesto sa likuran ng wheelchair.

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon