Chapter 3

6.3K 88 0
                                    

“KAKALABAS ko lang ng restroom ng tumawag si mama. May pumatak na kung ano sa braso ko kaya napatingala ako. Malay ko bang nakaharang siya sa daan. Nabangga ko tuloy siya. Tapos kung anu-ano na ang sinabi sa’kin. Kesyo hindi daw ako gwapo. Bulag ba siya? May salamin na nga siya sa mata ang labo pa ng paningin niya.” Tumawag ang pinsan ni Aeroll nang makarating na siya sa bahay niya. Pinaalala lang nito na isasabay niya ang girlfriend nito. Bukas na ang alis nila. Nakwento niya dito ang nangyari kanina sa mall.

Natawa ito. “Yon naman pala. Naiinis ka kasi hindi siya nagwapuhan sa’yo. Saka pare, kasalanan mo naman pala, ikaw ang hindi nakatingin sa dinadaanan mo.”

“Siya ang may kasalanan. Tapos. At wala akong pakialam kung hindi siya magwapuhan sa’kin. Malabo nga kasi ang mga mata niya.” inis na sambit niya.

“Mukhang inis na inis ka talaga, insan.”

“Sa amazonang babaeng ‘yon.” dagdag niya.

“Maganda ba?” tanong nito.

Napahinto siya. Inalala niya ang mukha ng babae. “Maganda nga. Nerd na maganda. Pero kahit siya pa ang pinakahuling maganda sa planetang ito. Hindi ko siya magugustuhan. Mas gugustuhin ko pang mag-isa kaysa ang makasama ang amazonang babaeng iyon.”

“Baka kainin mo ‘yang sinabi mo, insan.” natatawang wika nito.

“Yeah, right. As if magkikita pa kami.” aniya. “Bago maghating gabi nandiyan na kami.” Pag-iiba niya ng usapan.

“Sige, ingatan mo ang girlfriend ko, ha.” wika nito.

Nang makita niya mula sa terrace na kinatatayuan niya sa second floor ng bahay nila si King, ang nag-iisang kapatid niya na kapapasok lang ng gate nila. “Sige, insan. Ako nang bahala. Andito na si King.” sambit niya. Nag-paalam na siya dito.

Lumabas siya ng kuwarto niya at sinalubong sa sala ang kapatid niya. Napahinto ito ng makita siya. May  pasa ang kanang pisngi nito.  Humalukipkip siya. Napakamot ito ng ulo.

“Ano na naman ang ginawa mo?” tanong niya.

“Grabe ka, Kuya. Para namang pumatay ako kung tingnan mo ako.” sagot nito.

“King!”      

“Okay, okay. Pwede ba bukas mo na lang ako sermunan?” nakangiting wika nito.

“Nakalimutan mo ba? Magbabakasyon ako bukas.”

Ngumiti ito. “Oo nga pala. So si Papa na lang ang magsesermon sa’kin.”

Napailing na siya. “Pwede ba, King? Magtino ka na. Ilang taon ka na ba, ha? At para ka pa ding bata kung umasta.”

“Nineteen, Kuya.”

Sumagot pa talaga. “That’s the point. Nineteen ka na, pero feeling mo nasa high school ka pa din kung gumawa ka ng mga kalokohan. College ka na. Dapat nga graduate ka na ngayon. Pero puro ka bulakbol. Tingnan mo, second year ka pa din hanggang ngayon. Hindi ka ba naiinggit sa mga classmate mo? Napag-iwanan ka na.”

Napabuntong-hininga ito. “Yeah, right. As if I care kung mapag-iwanan nila ako. Akyat na ko, Kuya. Masakit ang katawan ko.” Dumeretso na ito ng hagdan.

“King, kailan ka ba titino?” pahabol niyang tanong.

“Matino naman ako, Kuya. Hindi niyo lang nakikita ni papa.” sagot nito bago dumeretso paakyat ng kwarto nito. Napailing na lang siya.

“Dumating na ba sa King?” Napalingon siya sa mama niya na kalalabas lang ng kusina.

“Kakaakyat lang ng kuwarto, ‘Ma.” sagot niya.

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon