Chapter 8

4.9K 75 3
                                    

“May phobia ba siya sa dagat? Sa pagsakay ng barko? At bakit?” sunod-sunod na tanong ni Aeroll kay Cath ng kausapin niya ito tungkol kay Princess. Kanina pa kasi niya napapansin ang kakaibang kilos nito, eh. Nakikita niya itong nakatanaw sa dagat habang nakangiwi. Ang tahimik pa nito. Tapos kanina no’ng pasakay na sila ng barko, kumapit pa ito sa braso niya na para bang ayaw na siyang bitawan. She’s acting weird.

“Uyy, bakit parang concern ka sa kaibigan ko.” tudyo nito sa kaniya.

Napangiti siya. “Nurse ako ‘di ba? Normal lang sa’kin ang mag-alala.” dahilan niya. Pero parang labas sa ilong ang sinabi niya.

“Akala ko naman….” Nagkibit-balikat ito. “Sabagay, she’s already taken.” Kumunot ang noo niya. Bago pa siya nakapag-react ay nagsalita ulit ito. Tumingin ito sa dagat.

“Hindi ako ang pwedeng sumagot sa tanong mo kung bakit. All I can say is that you’re right, may phobia siya. Pero medyo na-overcome na din niya ‘yon. Hindi lang niyang maiwasan na matakot. Ng slight. Saka ‘yong mga reaction niya kanina. Natural na ‘yon kapag sumasakay kami ng barko. Pero once in a blue moon mangyaring sumakay ‘yon sa barko. Kung walang airport sa pupuntahan namin. No choice siya.” Nilingon nito ang kaibigan nito bago ibinalik ang tingin sa dagat.

“Nakatulog na ata. Mamaya pagkagising niyan, magsusuka na ‘yan. Sinabihan ko na ngang uminom ng gamot para sa hilo. Nakalimutan na naman.”

Nilingon niya ang babae. Nakatagilid ito ng higa paharap sa kanila. “Tama nga ako ng hinala kanina.”

“Iyon lang ba ang itatanong mo? Babalikan ko na muna si bhest. Baka naliligo na ‘yon sa pawis. Kapag nakasakay kami sa barko, para ‘yang batang alagain. At ako ang umaaktong nanay niya.”

Napangiti siya. “Wala na. Close na close kayo, ‘no?” Bumalik na sila sa kaibigan nito.

“Oo naman. Mga bata pa lang kami, magkasama na kami. Neighbors kami niyan.” Umupo si Cath sa tabi ng kaibigan nito. Umupo naman siya sa higaan sa tabi ni Princess. Tiningnan niya ang babae. Hindi man lang naisip ng babaeng ‘to na siya ang makakatabi nito. Eh, samantalang nung nasa bus sila kanina. Halos ipagtabuyan siya nito ng malaman nitong makakatabi niya ito.

Masama nga kasi ang pakiramdam. Tingnan mo, pag baba ninyo ng barko, balik amasona na naman ‘yan, sambit ng kabilang isip niya.

“Tingnan mo ang pawis.” napapailing na sambit ni Cath. May kung anong kinuha ito sa bag nito. Pamaypay at dalawang bimpo ang kinuha nito. Inilagay nito ang isa sa likod ni Princess. Pinampunas naman ni Cath ang isa sa pawis ng kaibigan nito.

Princess. Para talaga itong prinsesang pinagsisilbihan sa lagay nito ngayon.

“Mamaya pa ‘to gigising.” Napapalatak si Cath. “For sure, nakalimutan nitong dalhin ang gamot nito.”

“Anong gamot?”

“Anti-emetic lang. Mamaya kasi pagkagising niyan, magsusuka na ‘yan.”

“May dala ‘ko.”

Napatingin si Cath sa kaniya. Napangiti ito. “Boy scout, ah.”

“Kailangan, eh.” May first-aid kit pa nga siyang dala. For emergency purposes.

Pinaypayan nito ang kaibigan nito.

“Ako na.” Kinuha niya ang pamaypay dito. Umayos naman ng upo si Cath at sumandal sa haligi ng higaan nila.

“Hindi naman dapat sasama ‘yan. Napilitan lang dahil sa’kin.” maya-maya ay wika ni Cath. Nakatingin ito sa kaibigan nito.

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon