Chapter 18

4.6K 58 9
                                    

“Ikaw pala. Nasa’n si Cath, bakit hindi mo kasama?”

“Kumakain pa.”

“Ah. Ahm, nadinig mo ba yung drama ko?”

Napangiti ito. “Hindi naman masyado. Maliban do’n sa manloloko siya at kating-kati na ‘yang kamay mo para sampalin siya. Yon lang naman ang nadinig ko.”

“Nadinig mo nga.”

“Nabanggit sa’kin ni honey na..ano..na..” Napakamot ito ng ulo.

Alam na ni Princess ang tinutukoy nito. Si Cath talaga. “Na break na kami ng manloloko kong boyfriend.”

“Oo. Nabanggit niya sa’kin kanina nung tinanong ko kung may boyfriend ka na. Pero hindi pa kayo official na break ‘di ba?”

“Kailangan pa ba ‘yon? Nakita ng dalawang mata ko ang panloloko niya. Para sa’kin, break na kami. Magsama sila ng babaeng ‘yon.”

“You’re right. You deserve someone better. Much better.”

Napangiti siya. “Thank you.”

“Si Aeroll…”

“What?” Tama ba ang nadinig niya?

“Ang sabi ko, baka gusto mong patumbahin natin ang manlolokong ‘yon? May kilala kong hitman.”

Sumeryoso siya. “Talaga? Sino? How much ang bayad sa kaniya? Buti na lang at nabanggit mo ‘yan. Balak ko na ngang ipabagsak ‘yon, eh.”

“Ah, seryoso ka ba sa sinabi mo, Princess?” Napalunok pa ito.

Ang lakas ng tawa niya. “Got you.”

Natawa din ito. “Tama nga si Cath ko. May pagka…”

“Ano? Bakit ayaw mong ituloy?”

“Maganda daw ang bestfriend niya. Parang siya.”

“Buti alam mo.” sabay tawa nila.

 - - - - - - - -

GALING sa likod ng camp house si Aeroll nang makita niya si Princess sa labas. Itinaas nito ang mga kamay nito. Sumigaw pa ito.

“This is life!”

Napangiti siya. “Parang hindi siya ‘yong iyakin kanina, ah. Matapang na iyakin. Mero’n pala no’n.” Lalapitan na sana niya ito nang makita niya si Harold na lumapit dito. Hindi na siya lumapit at tiningnan na lang ang mga ito.

Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito. Pero maya-maya ay biglang natawa si Princess. Nakitawa din si Harold. 

“Makatawa naman ‘tong Princess na ‘to, wagas. Parang wala ng bukas. Nakakainis. Parang tuwang-tuwa pa dahil kasama niya ang pinsan ko.” Bumalik na naman ang hinala niya. Dapat dito hindi mawala sa paningin ko. Dapat lagi kong bantayan ang kilos niya. Hindi na siya nakatiis at lumapit na sa mga ito.

Tumikhim siya ng malakas. “Ehem!!”

Natigil ang tawanan ng mga ito at napalingon sa kaniya.

“Insan, ikaw pala. Sa’n ka ba galing?”

“Sa likod.” Binalingan niya ang nakangiting si Princess. “Princess, pumasok ka na sa loob.”

“Hah?”

“Bingi ka ba?”

Nawala ang ngiti nito. “Ano bang problema mo?” Binalingan nito si Harold. “Pagsabihan mo ‘yang pinsan mo, ah.” Inis na pumasok ito ng camphouse. Sinundan na lang niya ito ng tingin.

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon