Chapter 1

11.2K 115 3
                                    

A/Note: 9 / 10 / 20

Hello, readers! It's been what? 8 years since I started this story. And sobrang nakakataba pa rin ng puso na kahit hindi na ako active sa pagsusulat, still marami pa ring nagbabasa nitong story. Thank you so much from the bottom of my heart. 😘

I hope na makabalik na ko sa pagsusulat and sharing my stories to all of you. 😊

Sorry for all the typos/grammar/spelling. ✌ Ngayong binabasa ko kasi uli to, ang dami kong nakitang mali-mali. 😅  Despite of that, sana maintindihan nyo pa rin yung flow ng story. 😁

Again, KAMSAHAMNIDA! 😘

----------

“What?!” Nanlalaki ang mga matang tanong ni Princess sa bestfriend niyang si Cathrine. Sinabi lang naman nitong boyfriend na nito ang lalaking kinukuwento nito sa kaniya. Nakilala nito ang lalaki sa seminar na dinaluhan nito. Photographer ang bestfriend niya. And that was three weeks ago, tapos ngayon malalaman niyang boyfriend na nito ang lalaking iyon. My God! Ano bang problema nito?

“You heard me, bhest! Kami na.” ngiting-ngiting sagot nito. Pumunta ito sa bahay niya para sabihin iyon.

“Three weeks lang kayong magkakilala, okay ka lang?” Ipagpag niya kaya ang ulo nito? Baka sakaling umayos ang takbo ng utak ng kaibigan niya.

Uminom muna ito ng juice bago sumagot. “It was love at first sight, bhest.”

“Love at first sight? I don’t believe in that.” napapailing niyang sagot. Sa mga novel lang niya nababasa iyon. At sa mga novel lang na ginagawa niya. Romance writer siya. Pero hindi siya naniniwala sa love at first sight, dahil never niyang naranasan iyon sa naging boyfriend niya no’ng college at sa boyfriend niya ngayon. It all started in friendship. Not in love at first sight.

“But I do. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, bhest! Finally, I’m inlove.” kinikilig na sambit nito. Hindi pa rin mawala-wala ang ngiti nito. Napabuntong-hininga siya. Tiningnan niya ang bestfriend niya. It was all written all over her bestfriend’s face. After twenty four years of existing in this planet, ngayon lang niya nakita itong gano’n. They’ve known each other since they were a child. Magkapitbahay sila. Wala pa itong naging boyfriend since then. Ang dahilan nito, hindi pa daw dumadating ang lalaking para dito. So ngayon dumating na?

“I want to meet him.” sambit niya. Gusto niyang kilatisin ang first ever boyfriend ng bestfriend niya. Baka mamaya kung sinong hombre lang ‘yon at lokohin lang ang bestfriend niya. Hah! Mata lang nito ang walang latay kapag nangyari iyon.

“Hindi pwede.” sagot nito.

Kumunot ang noo niya. “At bakit hindi pwede? Aber!”

“Umalis siya, eh.”

“At saan nagpunta? Umalis na? Nagtago na? Hindi na babalik?” sunod-sunod niyang tanong.

Natawa lang ito. “Sira ka talaga! Summer ngayon ‘di ba? Umuwi siya ng probinsiya niya.”

“Kakasagot mo pa lang sa kaniya, tapos iniwan ka kaagad niya? Ano bang klaseng boyfriend ‘yan?”

Sumimangot ito. “Princess naman.”

“Okay, okay. I’m sorry.” hinging-paumanhin niya. Kapag tinawag na siya nito sa pangalan niya, naiinis na ito sa kaniya. Iintindihin na lang niya ito. “Kailan siya babalik?” tanong na lang niya.

Ngumiti na ito pero makahulugang ngiti ang pumaskil sa mga labi nito. Kumunot ang noo niya. “Alam ko ‘yang ngiti mo na ‘yan. May favor ka na namang hihingin, ‘no?”

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon