Chapter 60

3.6K 46 5
                                    


Inilibot ni Princess ang tingin sa paligid niya habang papasok siya sa mansyon nila James kung sa’n ginaganap ang birthday party ng daddy nito.

“Princess.” Sinalubong siya ni James. He kissed her cheek. “You looked stunning tonight.” bulong nito.  Sa totoo lang, muntik na siyang hindi makapunta. Anong oras na siya nagising kanina dahil puyat siya kaninang madaling araw.

“Thank you.” Kumapit siya sa braso nito. Marami nang bisita sa loob. Nakita niya ang daddy nito na may kausap. Pero nang makita siya nito ay agad itong nag-excuse at lumapit sa kanila.

“My Princess!” He kissed her cheek. “You looked stunning tonight!” Mag-ama nga sila ni James. “For sure, maraming maiinggit sa anak ko ngayong gabi.”

“Thank you, Tito. And happy birthday po.” Inabot niya dito ang gift niya.

“Thank you, Princess.”

“Honey.” Ang mommy ni James ang sumulpot.

“Goodevening, Tita.”

Pinasadahan siya nito ng tingin. “Goodevening.” Binalingan nito ang asawa nito. “Honey, can I have you for a second?”

“Kahit buong gabi pa, honey.” Inakbayan ni Tito Eric si Tita Angela. “Enjoy yourself, Princess. Maya na tayo mag-usap.”

“Yes, Tito.”

“Ikaw na ang bahala sa kaniya, James. Don’t make her feel bored.”

“Yes, Dad. I won’t.”

“Honey. Let’s go. Hindi mawawala si Princess.” Inakay na ito ni Tita Angela.

“Pasensya ka na kay mommy.” sabi ni James pagkaalis ng magulang nito.

“Don’t worry. Immune na ko sa mommy mo. I knew from the start that she didn’t like me. Until now pa rin naman.”

“Princess...”

“Hey! We should enjoy this party. Ano ka ba? Isusumbong kita kay Tito kapag na-bored ako.” biro niya.

He smiled. “You want to eat?”

“Sure.”Inakay siya nito palapit ng buffet table. “Hindi pa nga ako kumakain, eh.” bulong niya. “At nagugutom na ko.”

“Nagugutom na kamo ang mga alaga mo sa tiyan.”

“Uy! Nag-joke ka ba? Himala.”

“Did I?”

Natawa siya ng mahina. Natawa din ito.


* * * * * * * *


Katatapos lang niyang kumain ng maramdaman niyang parang may nakatingin sa kaniya. Lumingon siya likuran niya. Wala siyang nakitang nakatingin sa kaniya maliban sa dalawang babaeng mukhang kanina pa siya pinag-uusapan.

“Princess, are you okay? Kanina ka pa lumilingon habang kumakain tayo.”

Napatingin siya kay James. Tama ito. Simula ng umupo sila sa table at kumain. Naramdaman na niyang may nakatingin sa kaniya.

“I’m okay. Punta lang ako ng restroom, ah.”

“Sure.” Inalalayan pa siya nitong tumayo.

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon