Chapter 4

6.3K 86 1
                                    

“MISS Ganda, nandito na po tayo.” untag ng konduktor kay Princess. Napalingon siya sa terminal. Hindi niya namalayan na nando’n na pala siya.

“Okay.” Bumaba na siya ng bus. Kinuha ng konduktor ang maleta niya sa trunk ng bus.

“Eto na po. Ingat po.” sambit ng konduktor nang ibigay sa kaniya ang maleta niya. Tumango lang siya. Hindi siya umalis sa kinatatayuan niya hanggang sa makaalis ang bus. Deretso lang siyang nakatingin sa kalsada. Hindi pa din siya makapaniwalang niloko siya nito. One year na ang relasyon nila. Naging kaibigan niya ito bago siya nito niligawan. Three months siya niyong niligawan. Kakakita lang nila nung isang araw at nagpaalam pa siya na aalis siya. Kaya pala hindi man lang ito nagreklamo gaya ng nakagawian nito dati. Dahil may milagro na itong ginagawa. Hinubad niya ang salamin niya sa mata ng maramdaman  niyang tumulo na ang luha niya. Pareha lang sila ng first boyfriend ko. Parehas silang manloloko!

“Miss.” Napalingon siya sa nagsalitang iyon. Isang matangkad na lalaki ang tumambad sa kaniya. Hindi niya masyadong makita ang mukha nito dahil hindi niya suot ang salamin niya. Inangat nito ang kamay nito at pinunasan ang mga luha niya sa pisngi. Tila may kuryenteng dumaloy sa katawan niya sa ginawa nito.

“Sinong nagpaiyak sa’yo? Bubugbugin ko.” sambit ng lalaki.

My damn boyfriend just cheated on me! Parang gusto niyang isigaw iyon. Pero walang lumabas na anumang tinig sa kaniya. Dahil sa lalaking ito na bigla na lang sumulpot sa tabi niya.

“Okay lang ‘yan. No one will hurt you again. I promise.” wika ng lalaki sa harap niya. May kung anong kaguluhang nangyari sa loob ng puso niya dahil sa sinabi nito. Ano ba ‘tong nangyayari sa’kin? At sino ba ‘tong lalaking ito? Sinuot niya ang salamin niya. Luminaw na ang mukha ng lalaking nasa harap niya. Kumunot ang noo niya nang tila makilala niya ito. Pero hindi lang kumunot ang noo niya ang makilala ito ng tuluyan, nagsalubong pa ang mga kilay niya.

“Ikaw na antipatiko ka!?”

- - - - - - - -

KUMUNOT ang noo ni Aeroll nang isuot nang babae ang salamin nito, na hindi niya napansing hawak nito kanina. Kumunot din ang noo ng babae.  Maya-maya ay nagsalubong din ang mga kilay nito.

“Ikaw na antipatiko ka!?” inis na sambit nito.

Teka! Kilala niya ito, ah. “Ikaw na amazona ka?!” ganti niya.

“Lumayo ka nga sa’kin!” singhal nito.

“Aba’t!”

“Huwag ka ulit lalapit sa’kin, okay?” dagdag pa nito. Pinunasan nito ang pisngi nito. “Nakakainis!” inis na sambit nito, bago siya inirapan at iniwan. Naiwan na lang siya sa kinatatayuan niya.

“Ang tanga mo, Aeroll! Bakit hindi mo siya nakilala agad?” kausap niya sa sarili niya. Nakalugay kasi ang buhok nito kanina at wala itong suot na salamin sa mata. Hindi niya napagmasdan ang mukha nito ng una sila magkaharap dati. Paano ba naman kung anu-ano ang sinabi nito sa kaniya no’n. Nilingon niya ito. Hindi na niya ito nakita. Nasa’n na ‘yon? Bakit kaya siya umiiyak kanina? Hah! Pakialam ba niya. Napakasungit talaga no’n! Nang maalala niya ang sinabi niya dito kanina. Argh! Did I said that? Napapailing na hinanap na lang niya ang bus na pa-Batangas.

 - - - - - -

NAKAKAINIS! Ang lawak ng mundo, nakita ko pa siya dito! Napahawak si Princess sa pisngi niya na nahawakan ng lalaki kanina. Bakit gano’n? Ano ba ‘yong naramdaman ko kanina?

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon