Chapter 11

5K 86 2
                                    

Nagising si Aeroll nang maramdamang giniginaw siya. Kinapa niya ang kumot niya. Tuluyan siyang dumilat nang hindi ‘yon makapa. Nasa’n na ‘yon? Napalingon siya sa katabi niya. Napapailing na napangiti siya. May kumot na nga, nang agaw pa ng kumot. Bumangon siya at umupo nang makita ang sarili nitong kumot na nahulog sa sahig. Kaya naman pala nang-agaw.

Tumayo siya at pumunta sa gilid nito. Kinuha niya ang kumot nito nang mapansing wala si Cath sa higaan nito sa taas. Naglibot na naman siguro. Bumalik siya sa higaan niya. Tiningnan niya kung anong oras na. Alas diyes na pala. Hindi na siya matutulog. Gising na din ang ibang pasahero. Napatingin siya kay Princess. Ang sarap ng tulog, ah. Inayos niya ang pagkakabalot ng kumot niya dito.

Kaninang biniro niya itong yayakapin niya ito, akala niya ay susuntukin talaga siya nito. Pero pumikit lang ulit ito at hindi na nagsalita. Hindi din nito binawi ang kamay nitong hawak niya. Hindi niya alam kung kailan ito nakatulog dahil nakatulog na din siya. Napahikab siya. Mag-aayos na nga siya. Tinupi muna niya ang kumot nito bago pumunta ng comfort room.

Matapos makapaghilamos at mag-toothbrush ay sumilip siya sa bintana. Tanaw na niya ang port dahil sa ilaw na nagkikinangan mula sa malayo. Ilang saglit pa siyang nanatili do’n bago bumalik sa higaan niya, nang mapansing nasa baba na ang kumot niyang gamit ni Princess.

Nakamot niya ang likod ng tenga niya. Ang gulo naman nito matulog. Kinuha niya ang kumot at ibinalot ulit dito. Napapailing na pinagmasdan niya ito. Ano ba ‘tong ginagawa ko? Masyado na ata akong nagiging concern sa babaeng ito. Kahapon lang naman sila nagkakilala. Inalis niya ang eyeglass nito. Napangiti siya. Mas bagay sa’yo.

“Uy, ano ‘yan ha?”

Si Cath ang nalingunan niya. “Nahulog, eh. Ibabalik ko lang.” dahilan niya. Isinuot niya ulit ang eyeglass kay Princess.

“Bakit kasi hanggang pagtulog suot niya ‘yan?” tanong niya.

Umupo ito sa gilid ni Princess. “Baka daw mawala ang precious eyeglass niya.” sagot nito. “Ang lamig sa taas, grabe.”

“Kanina ka pa gising?” tanong niya.

“Medyo. Kinuhanan ko sila kapitan. Remembrance.” nakangiting sagot nito. “Malapit na tayo sabi ni kap. Natatanaw ko na ‘yong port, eh.”

“Nakita ko nga kanina nang sumilip ako sa bintana.”

“Gigisingin ko na ba ang prinsesa?” tanong nito.

Napangiti siya. “Mamaya na.”

“Okay na ba kayo nito?” tanong nito. Tinuro nito ang natutulog na si Princess.

Sa palagay niya, base sa pag-uusap nila kanina. “Oo.”

“Ganyan talaga .yan. Mabait naman ‘yan, kaya lang kapag tinopak, lalo na kapag nabwisit sa isang tao, napakasungit.”

“Alam na alam ko ‘yon. Simula kahapon hanggang kanina. Natikman ko ang kasungitan niya.” Nang may maalala siya. “Kanina pala nung nakita ko siya sa terminal ng bus pa-Batangas. I saw her crying,”

Nagulat ito at napatingin sa kaibigan nito. “Bakit kaya? Kaya pala ng tawagan ko siya kanina parang may iba. Bukas ko na lang siya kakausapin.”

Baka ‘yung boyfriend niya. Bago pa niya maisatinig ‘yon ay nagising na si Princess.


- - - - - - - - -


UNTI-UNTIng uminulat ni Princess ang mga mata niya. Nakita niya sa Cath sa gilid niya at si Aeroll sa higaan nito. Gising na pala ang mga ito. Bumangon siya at ibinalot ang kumot niya sa katawan niya. Ang lamig, eh.

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon