Chapter 68

3.1K 47 1
                                    

“Aeroll.”

Lumingon siya sa likuran niya. Si Cath, kasama nito si Harold. Lumabas lang ang mga ito kanina.

“Kumain ka muna, insan.” May dala itong pagkain.

“Pakilapag na lang diyan.” Nilingon niya si Princess.

“Hindi ka pa nanananghalian. It’s almost dinner.”

“Mamaya ko na kakainin. Busog pa ko.”

“Sa tingin mo matutuwa si Princess sa ginagawa mo? Hindi, Aeroll. Malamang makatikim ka ng sermon sa kaniya.” sabi ni Cath.

Hindi siya sumagot.

“Akala mo ba ikaw lang ang nag-aalala sa kaniya?” Napalingon siya kay Cath ng tumaas ang boses nito.

Inakbayan ito ni Harold. “Honey.”

“Nag-alala din naman kami. Ako. Pero kung pababayaan ko ang sarili ko katulad ng ginagawa mo, magagalit sakin ang bestfriend ko.”

“Hindi ba dapat ako mag-alala?” Tiningnan niya si Princess.

“Sumusuko ka na ba na magigising siya? Tinanginan lang tayo ng doctor ng isang linggo. Pero hindi niya hawak ang buhay ng kaibigan ko...”

Hindi siya sumagot.

“Answer me, Aeroll. Sumusuko ka na ba na magigising siya? Sumusuko ka na ba na babalik siya satin?”

Hindi pa rin siya sumagot.

“Aeroll!” Nagsimula na itong umiyak.

“Honey. Tama na ‘yan. Ang mabuti pa umuwi na muna tayo.”

“Bakit ba kasi ganyan ang pinsan mo? Ang dali niyang sumuko!”

“Umuwi na muna tayo, Cathrine.” Tinawag na ito sa pangalan ni Harold. In short, seryoso talaga si Harold. “Nasa ospital tayo.”

“Pero, Harold... Si Princess... baka gumising siya... One week na ngayon... ”

“I know. Bumalik na lang tayo, okay?” masuyong sabi ni Harold dito. Hindi na niya narinig na sumagot si Cath. Ang narinig na lang niya ay ang pagbukas ng pintuan.

“Cath.” Hindi lumilingong tawag niya dito. “Hindi pa rin ako sumusuko.” sabi niya habang pinagmamasdan si Princess. “Never akong susuko sa kaniya.” Hinaplos niya ang mukha ni Princess.

Hindi ito sumagot.

“Kumain ka na, insan.” Si Harold ang sumagot. “Dahil pag nagising ang prinsesa mo at nalamang nagpapakagutom ka, lagot ka sa kaniya.”

Narinig niyang nagsara ang pintuan. Saka lang siya kumilos. Hinalikan niya ang pisngi ni Princess. “Kakain lang ako, Prinsesa.” Lumapit siya sa table at nagsimulang kumain.

One week na siyang ganito. One week na siyang halos dito mag-stay sa hospital kung sa’n naka-confine si Princess. Nasa isang private room sila. Dito siya natutulog. Dito siya kumakain. Dito siya nagbibihis.

Binilisan niya ang pagkain niya at lumapit agad kay Princess. Pinagmasdan niya ito. Ang ulo nitong may benda. Pati ang braso nitong naka-cast. Pati ang binti nitong hindi nakaligtas sa aksidente.

Hanggang ngayon, hindi pa rin mawala-wala sa isip niya ang nakita niya ng araw na ‘yon. Ang pagtawag ni Princess sa pangalan niya habang kausap niya ito sa phone. Ang narinig niyang malakas na pagbangga ng kung ano. Halos liparin niya ng araw na ‘yon ang papunta sa long cut na sinasabi nito.

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon