Chapter 48

4.4K 56 2
                                    

“Bakit ba ko nandito?” Nasa harap si Princess ng hospital kung sa’n nagta-trabaho si Aeroll. Nasa loob siya ng kotse niya. From Manila, dito siya dumeretso.

Napatingin siya sa phone na hawak niya. Phone ni Aeroll ‘yon. Balak na talaga niyang isoli ang phone nito ngayon. Kaya lang para naman siyang ewan na hindi alam kung lalabas ng kotse o uuwi na at hihintayin na lang si Aeroll. Isa pa, hindi talaga siya mapakali sa nabasa niya kagabi. Ang Chariz na ‘yon. Sino ba talaga siya?

Bababa na sana siya ng mag-ring ang sariling phone niya. Si James ang tumatawag. Sinagot niya ‘yon.

“Hello, James. Bakit?”

“I just want to say thank you. Pagpasensyahan mo na si Dad kanina if he brought up the topic of our marriage.”

“I understand, James.” She sighed. Napalingon tuloy siya sa bintana ng kotse niya at nakitang palabas na ng hospital si Aeroll. “Ahm, James, Nagda-drive kasi ko.”

“Oh, okay. Take care, sweet—I mean Princess.” She heard him sighed on the other line. “I’m sorry. Nasanay lang ako.”

“It’s okay. Ahm, ibababa ko na ‘to.”

“Okay.”

Nilapag niya sa dashboard ang phone niya at akmang bababa ng kotse ng mapahinto na naman siya. May babae kasing lumapit kay Aeroll. Kumunot ang noo niya habang tinitingnan ang babae. Hindi niya ito masyadong mamukhaan dahil naka-side view ito. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya ng kumapit sa braso ni Aeroll ang babae!

Aeroll! Ano ‘to?

Hindi na niya napigilan ang sarili niya. Bumaba siya ng kotse at nilapitan ang mga ito. “Aeroll.”


* * * * * * * *


“Aeroll, sabay na tayo.”

Nilingon niya si Chariz. Tapos na ang duty niya. Gano’n din ito. At ang malas  niya. Lumipat na kaya siya sa ibang department? Or much better, ito na lang ang lumipat. Sa Psyche Department. Mukhang lalo kasing lumalala ang tama ng babaeng ‘to sa kaniya. Pinatutunguhan lang niya ito ng maayos dahil kasama niya ito sa trabaho.

Mahirap na talaga ang gwapo. Napailing siya sa naisip niya.

Hindi pa siya nakakasagot ng umalis ito at kunin ang gamit nito sa locker room. Matagal itong mag-ayos. Kaya for sure, nakaalis na siya bago pa siya nito maabutan. Tuluyan na siyang lumabas ng hospital. Hindi niya dala ang kotse niya dahil nasa talyer ‘yon.

“Aeroll!”

Napakamot siya ng kilay niya. Not again! Nagkuwari siyang walang narinig at tatawid na ng kalsada ng may kumapit sa braso niya. Paglingon niya, nakangiting si Chariz ang nakita niya.

“I told you na sabay na tayo diba?”

“May pupuntahan pa ko.”

“Can I go with you?”

Nginitian niya ito. “Hindi pwede. Importante ang pupuntahan ko.” Tatanggalin na sana niya ang braso nito ng...

“Aeroll.”

Ang boses na ‘yon! Agad siyang napalingon sa gilid niya. “Prinsesa!”

Humalukipkip ito. Ang sama ng tingin nito sa kaniya.

“Prinsesa? What kind of name was that?” Napalingon siya kay Chariz ng magsalita ito.

“Chariz.” Inalis niya ang pagkakahawak nito sa braso niya. Paglingon niya kay Princess, nakita niya itong gulat na nakatingin kay Chariz. Kumunot ang noo niya. Pero natanggal ang pagkakakunot niya ng tingnan siya nito. At kitang-kita niya sa mata nito ang sakit.

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon