Chapter 29

4.1K 44 2
                                    

Alas singko pa lang gising na si Princess. Maghapon lang kasi siyang natulog kahapon kaya napaaga ang gising niya. Si Manang Fe pa lang ang gising. Naabutan niya ito sa kusina.

“Magandang umaga po.” bati niya.

“O, ang aga mong nagising, Princess. Alas singko pa lang, ah.”

Umupo siya sa upuan. “Maghapon lang po kasi akong natulog kahapon kaya busog na busog po ako sa tulog.”

“Nasabi mo na din yang busog, gutom ka na ba? Gusto mo ng kape?”

“Ako na po, Nay.”Nang mapatigil siya sa tinawag niya dito. “Okay lang po ba na tawagin ko kayang Nanay?”

Napangiti ito. “Oo naman. Halos kasing edad mo ang anak kong babae.”

Kumuha siya ng tasa ang nagsimulang magtimpla ng kape. “Nasan po siya?”

“Nasa kabilang bayan. May pamilya na.”

“Ah, eh yung…” Hindi niya maituloy ang sasabihin niya dahil baka akalain nitong tsismosa siya.

“Asawa ko? Pitong taon nang patay ang asawa ko.”

Napalingon siya dito. “Pito po?”

“Oo. Lumubog yung barkong sinasakyan niya. Kasama niya ang anak kong babae. Sanay namang lumangoy ang asawa ko, kaya lang iniligtas niya ang anak namin.”

Nabitiwan niya ang kutsarang hawak. Barko? Lumubog? Niligtas? Para yung sirang plakang nagrereplay sa isip niya.

“Okay ka lang, Princess?”

Napalingon siya dito. “Ah…opo...”

“Bakit parang namumutla ka?”

Napahawak siya sa pisngi niya. “Talaga po? Kulang lang po sa pulbos yan.” Pinulot niya ang kutsarang nahulog. “M-mukhang may dadating po tayong bisita, ah.” pag-iiba niya ng usapan.

“At babae. Sino kaya?”

Nakahinga siya ng maluwag. Buti naman at hindi na ito nagtanong pa.

“Baka po may bibisita kina Aeroll na babae.”

“Naku, parang kilala ko na kung sino ‘yon.”

Kumunot ang noo niya. “Hah? Sino po? Girlfriend niya po? May girlfriend po siya dito?”

“Si Prince ba ang tinutukoy mo? Dahil malabong si Harold dahil may nobya na siya.”

Hindi siya agad nakasagot. Ano bang klaseng tanong yong tinanong ko? Daig ko pa ang reporter kung makapagtanong.

Napangiti ito ng makahulugan. At napansin niya yon kaya iniba na niya ang usapan. “Nay, maglilibot lang po ako sa labas. Okay lang po?”

“O, sige. Mababait naman ang mga tao dito.” Nang mahulog ang tinidor na hawak nito.

“Mukhang hindi lang po babae ang bisita natin.” nangingiting wika niya.

“Mukha nga.”

Inubos na niya ang kape niya at nagpaalam na dito.

* * * * * * * *

Mag-aalas-siyete na nang magising si Aeroll. Hating-gabi na ng makatulog siya dahil sa walang katapusang kwento ni Harold. Kuwento tungkol sa mga pinsan niya at sa mga kamag-anak niya. May-asawa na daw si ganito, may anak na daw si ganito. Bla..bla..bla. As if naman, hindi siya pupunta sa mga pinsan niya ngayon. May pagka-tsismoso talaga ang pinsan niya kahit kailan.

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon