Epilogue PART 1

4.4K 58 2
                                    



Two months later...

Nasa tabi ng dagat si Princess habang nakaupo sa lounge chair sa ilalim ng malaking umbrella at hawak ang laptop niya. May video siyang pinapanood na pinadala sa kaniya sa e-mail niya.

“Hi, miss ganda! Long time no see, huh!”

Tama ito. Ngayon lang ito nagparamdam sa kaniya na ikinagulat niya.

“Nagtataka ka siguro kung paano ko nalaman ang e-mail mo. Magaling ako, eh. At nagtataka ka siguro kung bakit ako nagpadala ng video sa’yo. Wala lang. Naisipan ko lang. Gusto lang kitang inggitin.”

Ano daw?

“Nandito ako sa Paris.”

Oo nga, nakita nga niya sa background.

“Kararating ko lang kanina dito. Nga pala. Hindi na ko pumapatay ng tao.”

Napangiwi siya sa sinabi nito. Nothing change, huh?

“Pagkatapos ng patayan sa warehouse, umalis agad ako ng bansa. Nagpalipat-lipat sa iba’t ibang bansa. In short, NPA ako. No permanent address. Hindi na rin ako nakipag-cummunicate kina daddy. Mas maganda na ang gano’n. Wala silang alam.”

Napilitan siyang sabihin sa Kuya Hunter niya ang tungkol kay Justine. Ang pagtulong nito no’n. Pinakiusapan niya ito na wag ng ipaalam sa iba, lalo na sa pamilya ni Justine ang lihim nito.

“Tama ka. Pwede pa kong magbago. Mahirap sa umpisa pero masasanay rin ako. Hindi na ko si Justine. I changed my identity. Gusto mo bang malaman  kung sino na ako ngayon?”

Hinintay niya ang sasabihin nito. Pero tumawa lang ito sa video. “Secret.” sa halip ay sabi nito.

“Sira ulo talaga.” Pero napangiti na rin siya. Kung anuman ang desisyon nito, so be it.

Napakamot ito ng ulo. “Hindi ko alam kung bakit sinasabi ko sa’yo ‘to. Pero siguro dahil may tiwala ako sa’yo. Sa lahat ng tao sa mundo, sa’yo lang ako may tiwala na wala kang pagsasabihan ng tungkol sa mga sinasabi ko sa’yo ngayon.”

Napangiti siya sa sinabi nito.

“When the right time comes, haharapin ko sina daddy. Pero hindi pa ngayon. Alam mo ba ang bagong misyon ko sa buhay? Ang magsaya at hindi mahuli ng kahit na sino. Para kong si Lupin nito.”

“Goodluck.” sabi niya na parang maririnig naman siya nito.

“May tiwala ko sa’yo, pero hindi sa ibang tao. Kaya pagkatapos mong mapanood ang video na ‘to, masisira na ‘to. Hindi ko alam kung magpapadala uli ako sa ‘yo ng video. Siguro kapag gusto uli kitang inggitin.” natatawang sabi nito.

“Feeling mo naman, maiinggit ako.”

Sumeryeso ang mukha nito. “Masaya ka sana ngayon.” Umiwas ito ng tingin. At ilang beses na tumikhim bago humarap sa camera. “Thanks to you for the new me. Bye, Princess.”

At ang ngiti nito ang huling niyang nakita bago matapos ang video. At gaya ng sinabi nito, nasira na rin ang video.

Sinara niya ang laptop niya. At tumingin sa dagat. “Goodluck, Justine. Goodluck to the new you.” bulong niya sa hangin.

“Princess!”

Nalingon siya sa likuran niya. Nakita niya ang Kuya Hunter niya. Nasa veranda ito ng resthouse. Private resthouse nito dito sa Batangas. Mayaman pala ang mama nito na nasa States ngayon. Na nakilala na niya over the phone.

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon