Chapter 7

5.3K 71 2
                                    

Nakabili na si Aeroll ng tatlong ticket. Sinabi ni Cath na kasama daw nito ang bestfriend nito. Nabanggit na din sa kaniya ni Harold ‘yon. Natanaw na niya si Cath, Kumaway ito sa kaniya. Pero kumunot ang noo niya ng mapansin ang kasunod nito. Don’t tell me— Nakalapit na sa kaniya si Cath.

“Hi Aeroll! Sorry natagalan ako. Si Princess nga pala, bestfriend ko. Bhest, ito naman si Aeroll, pinsan ni Harold.” nakangiting pakilala ni Cath sa kanilang dalawa.

“Ikaw?!” sabay nilang sambit ng babae.

“Magkakilala kayo?” gulat na tanong ni Cath.

“Katabi ko siya sa bus kanina.” sagot niya. Princess pa ang pangalan niya. Parehas pa sila. Parang hindi naman bagay dito ang Princess kung pagbabasehan ang ugali nitong may pagka-amasona.

“Siya yung kinukuwento ko sa’yo na bumangga sa’kin sa restroom kahapon, bhest.” sagot ng babae.

“Talaga? Siya ‘yon? Small world, huh.” nakangiting sambit ni Cath. Sa dami ba naman kasi ng pwedeng maging bestfriend nito. Ito pang babaing ito.

“Small world talaga. Masyado na talagang masikip ang Pilipinas.” sambit ng babae.

 “Hindi ko na pala kailangang ipakilala kayo. Magkakilala na kasi kayo.” wika ni Cath.

“We don’t know each other.”

“Hindi ko siya kilala.” Nagkatinginan sila ng babae dahil sabay pa silang sumagot. Inirapan siya nito. Napatingin siya kay Cath ng tumawa ito.

“Sorry.” Tumikhim ito. “Hindi nga kayo magkakilala. Hindi talaga. Bibili na muna ako ng ticket.”

“No need. Nakabili na ko.” agaw niya.

“Hah? Nakakahiya naman. Hindi naman sinabi ni Harold na ilibre mo kami, ang sabi lang niya isabay mo kami.” Kinuha nito ang wallet nito.

“Wag na.”

“Ay, hindi pwede ‘yon.” Dumukot ito sa wallet nito.

“Wag na talaga. Kay Harold mo na lang ibigay ‘yan.”

“Bakit?” tanong nito.

Napakamot siya ng ulo. “Basta kay Harold mo na lang ibigay. Itanong mo na lang sa kaniya.”

“Bakit nga?”

“Sa kaniya mo na lang itanong. Tara na.” Saglit niyang tiningnan ang bestfriend nito. Nakatingin ito—sa dagat na naman?

“Bakit kaya?” nadinig pa niyang tanong ni Cath nang tumalikod na siya.

Napangiti siya. Alam ko na kung bakit siya nagustuhan ni Harold.

Nakapasok na sila ng terminal nang magsalita si Cath. “Aeroll, saglit na muna tayo sa cafeteria.” Tumango siya.

“Bhest, okay ka lang?” tanong ni Cath sa kasama nito nang makaupo na sila sa loob ng cafeteria. Magkatabi ang mga ito. Magkatapat sila ni Princess. Tiningan niya ito. Kanina pa ito tahimik. Ano kayang problema nito?

“Okay lang ako. Anong oras tayo aalis?” tanong nito.

“Alas tres ang alis ng barko. Pero maya-maya siguro tatawagin na yung mga pasahero.” sagot niya.

“’Di ba, bhest nagugutom ka?” tanong ni Cath dito.

“Nawala na ang gutom ko, saka may baon naman tayong—oh my God!” sambit ng babae. Kumunot ang noo niya.

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon