Chapter 20

4.6K 58 8
                                    

A/N: At dahil one week akong ndi nakapag-ud, eto pang isa, hehe

^________^

 

Sumiksik si Princess sa tabi ng punong inupuan niya. Napatingin siya sa relo niya. Glow in the dark ‘yon kaya kita niya ang oras. Isang oras na mula ng umalis siya sa camphouse. Napayakap siya sa sarili niya ng makadinig siya ng huni ng kung anong hayop.

Pumikit siya. “Huwag kang matakot, Princess. Wala ‘yon. Matapang ka ‘di ba? Don’t worry, hinahanap ka na nila Cath. Kaya chill ka lang diyan. Whoa! Matapang ako!”

Napakislot siya ng makadinig siya ng ingay. “Pero nakakatakot naman talaga, eh. Ikaw kaya ang maligaw dito sa gitna ng gubat. Sobrang dilim pa.”

Napabuntong-hininga siya.

 

 

“Kapag nawala ka uli, huwag kang matatakot dahil mahahanap kita. Mahahanap ka ni papa. Tandaan mo ‘yan hah.”

Hanggang ngayon, naaalala pa din niya ang sinabi ng papa niya ng nabubuhay pa ito. Napapikit siya at yumuko sa tuhod na yakap niya.

- F L A S H B A C K -

 

“Baby, wag kang lalayo, okay.”

 

 

“Opo, papa.”

Nasa isang resort sila ng pamilya niya. Di-kalayuan ay may tila gubat. At dahil bata siya, malikot at curious siya sa mga bagay-bagay. Hindi niya sinunod ang papa niyang huwag siyang lalayo. Pumasok siya sa masukal na gubat. Hanggang sa maligaw siya.

Iyak siya ng iyak dahil padilim na. “P-pa..pa..” Nang makadinig siya ng ingay. Nagtatakbo siya. Natalisod pa siya sa isang ugat na nakausli. Tumayo ulit siya at nagtatakbo. Mukha na siyang gusgusin sa itsura niya. Pawis, sipon, luha at dumi. Nagsama-sama na ang lahat. Parang siyang pulubi sa gitna ng gubat. Cute na pulubi sa gitna ng gubat.

May nakita siyang puno ng mangga. Umupo siya sa gilid no’n at umiyak ng umiyak. Iyon lang naman ang magagawa ng batang katulad niyang takot. Ang umiyak. Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang nando’n ng may madinig siyang mga yabag. Napaangat ang ulo niya mula sa tuhod niya.

 

 

“Sa wakas, nahanap ko din ang baby ko.”

 

 

“Papa!” Sinugod niya ng yakap ito. May mga kasama ito.

 

 

“N-atakot ako…” Binuhat siya nito.

 

 

“Shhh.. nandito na si papa.”

 

 

“A-akala ko dito na ko titira.”

Ginulo nito ang buhok niya. “Pinag-alala mo si papa. Pati si mama at si ate.”

 

 

“Sorry po. Hindi na po mauulit. Pero natakot po ako.”

 

 

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon