Chapter 37

4.7K 62 2
                                    

"Princess." Napalingon siya kay Aeroll. Deretso lang itong nakatingin sa kalsada habang hawak ang payong na pinahiram sa kanila ng lola nito.

Pauwi na sila. Hindi nila kasabay sila Cath dahil may dalang motor ang mga ito. Mula sa bahay ng Lola Conchita nito ay maglalakad pa sila hanggang sa sakayan ng jeep. Kanina pa ito tahimik simula ng umalis sila ng bahay ng lola nito. At isa pang napansin niya, 'Princess' na ang tawag nito sa kaniya, hindi ang nakasanayan niyang 'Prinsesa.' Samantalang kaninang magising siya ay Prinsesa ang tawag nito sa kaniya.

So, what's the big deal? tanong ng kabilang isip niya.

Wala lang. Parang may bago lang sa kaniya ngayon. Parang ang lalim ng iniisip niya. sagot naman niya.

"Bakit?" tanong niya.

"Masakit pa ba ang ulo mo?"

"Medyo." At naaalala na din niya ang nangyari kagabi ng malasing siya. Wala naman siyang ginawang nakakahiya. Buti naman. At ang huling naalala niya ay nasa garden siya. At base na din sa pagkakasabi ni Aeroll, ito ang bumuhat sa kaniya.

Tumango-tango lang ito. "Ang init 'no?"

"Summer na kasi."

"Ba't kaya ang init ngayon?"

Huh? Hindi ba nito narinig ang sinabi niya?

Tumingala ito. "Sana umulan ng snow 'noh. Nang maraming-maraming snow. Tapos gagawa ako ng snow ball na ipambabato ko kay Harold. Yung tipong sa sobrang dami, hindi siya makakaganti." natatawang sabi nito.

"Na imposible namang mangyari dahil nasa Pilipinas tayo."

Nilingon siya nito. Ngumiti ito. Na sinabayan naman niya ng pag-iwas ng tingin. Naiilang pa rin siya kapag naaalala niya ang nangyari kahapon. Yung muntik na silang... Ah! Basta! "Because imposible things can't happen. I know that."

"Kaya kung gusto mo ng snow, pumunta ka ng Korea."

"Oo. 'Yan nga ang gagawin ko. Pupunta talaga ko ng Korea."

"Pupunta ka talaga?"

"Oo. Dahil gusto ko ng snow. Pupunta talaga ko ng Korea. Diba gano'n naman talaga, pag may gusto kang isang bagay, gagawin mo ang lahat para makuha lang 'yon. Ikaw Princess, gano'n ka din ba? You will do everything just to get what you want?"

"Oo at hindi."

Nilingon siya nito. "Pano'ng oo at hindi?"

Nilingon niya ito. "Kung alam ko lang na makakasakit ako ng tao. Huwag na lang." Umiwas siya ng tingin. "Hindi sa lahat ng oras, kailangan mong ipagpilitan ang gusto mo. You should consider the feeling of others. Hindi 'yong puro sarili mo lang ang iniisip mo. Kung alam mo naman palang makakasakit ka ng tao, wag mo ng ituloy dahil hindi ka din sasaya."

"Wala na pala kong choice. Siguro, sa next lifetime ko na makukuha ang gusto ko."

"Next lifetime?"

"Yes. Reincarnation."

"Naniniwala ka do'n?"

"Hindi. Pero kailangan, eh. Pwera na lang kung may mangyaring himala o magbago ang ihip ng hangin." She heard him sighed deeply. "Pwedeng sumigaw?"

"Hah?"

"Aaaaaaaahhhhhhhh!!!!!!!"

Napakislot pa siya sa lakas ng sigaw nito. Ano bang nangyayari dito? Bakit ito sumigaw? Mukhang frustrated pa ito sa kung ano. Nagtatakang napatingin na lang siya dito.

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon