Chapter 75

3.2K 41 1
                                    

Iminulat ni Princess ang mga mata niya. Tumingin siya sa kaliwa niya. Wala siyang katabi. Hindi niya alam kung parte lang ba ng panaginip niya na katabi niya si Aeroll. Pero isa lang ang alam niya. Ang papa niya. Napanaginipan niya ang aksidenteng ‘yon twelve years ago. “Papa.”

Tiningnan niya kung anong oras na. Ten am na. Dahan-dahan siyang bumangon at dumeretso ng banyo. Matapos makapag-ayos ay bumaba na siya. Naabutan pa niya sa kusina si King. Napalingon ito sa kaniya. “Goodmorning, ate!”

“Goodmorning.” Umupo siya sa upuan.

“Gusto mo ng kape? Oh! Mag-gatas ka na lang pala.”

“Ako na lang.”

“Ako na.”

Hinayaan na lang niya ito. “Wala ka bang pasok?”tanong niya.

“Mero’n.” Tiningnan nito ang relo nito. Napangiwi ito. “Late na pala ko. Matutuwa na naman ang prof ko nito.”

Tumayo siya. “Ako na lang ang magtitimpla. Pumasok ka na.” Kinuha niya ang baso dito.

Pero hindi ito umalis. Prente pa itong sumandal sa ref. “Okay ka na, ate?”

“Hah?”

“Nanaginip ka kagabi diba?”

Natigilan siya. Paano nito nalaman? Inalala niya ang nangyari kagabi.

“Nagising kami nung sumigaw ka.”

“Kayo?”

“Kaming lahat. Binantayan ka nga ni kuya, eh.”

Napakamot siya ng kilay. “Sorry.” Hindi pala parte ng panaginip niya ‘yon. Katabi niyang natulog si Aeroll kagabi.

“Okay lang.”

“Ang kuya mo nga pala?”

“Halos kakaalis lang. Narinig kong kausap niya si general kanina. Pumunta siguro siya do’n.”

“General?”

“Tito namin. Ex-general to be exact. General siya dati ng Philippine Army. Bumaba siya sa pwesto. Sa NBI na siya nagta-trabaho—oh! Shit!” Bigla nitong tinakpan ang bibig nito. “Aalis na ko, ate. Ba-bye!” Nagmamadali na itong umalis.

“King!”

Pero dere-deretso lang ito.

“Anong nangyari do’n? May sinabi ba siyang hindi dapat sabihin sakin?” Kumunot ang noo niya. “Nakipagkita si Aeroll sa Tito nila? At sa NBI nagta-trabaho? Hindi kaya tungkol sa kaso ni Kuya Rod ‘to? Tama. I think yung Tito niya yung tinutukoy niya dati na hihingan niya ng tulong. Ano na nga bang balita do’n? Bakit—ouch!”

Binuksan niya agad ang faucet at pinadaanan ng tubig ang kamay niyang napaso ng mainit na tubig. Napangiwi siya. “Ang sakit...”


* * * * * * * *


“May huling ka bang kahilingan mahal kong kaibigan?” Narinig niya ‘yon mula sa kung saan.

“P-patayin mo na ko... pero wag lang ang... anak ko.. W-wag mo siyang... idamay dito...”

“Papa! No!” sigaw niya. “Papa!”

“As you wish my friend.”

Kasabay no’n ay narinig niya ang sunod-sunod na putok. “Papa!”

Napabalikwas siya ng bangon. Pawisan siya. Sunod-sunod ding pumatak ang mga luha niya. “Napanaginipan ko na naman...” Tinakpan niya ang mukha niya habang tahimik na umiiyak. “Papa... wala kong maintindihan...”

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon