Chapter 31

4.4K 69 1
                                    


“Ba’t hindi mo man lang sinabing uuwi ka na?” tanong ni Aeroll kay Jed. “Kailan ka pa dumating? Sila Tita?” Nandito silang dalawa sa verandah habang sina Harold ay abala sa pagkukulitan sa hardin.

“Kahapon lang. Ako lang ang umuwi.” matipid nitong sagot.

Napailing siya. Three years simula ng huli silang magkita, pero wala pa din itong pinagbago. The same Jed pa din ito. Malihim. Tipid magsalita kapag tungkol sa sarili nito ang pinag-uusapan.

Tuwing nagbabakasyon sila dito nila Harold nung mga bata pa sila. Isa ito sa mga kalaro nila. Malapit na magkaibigan kasi ang mga ama nila. May bahay din ito sa Bulacan. At sa mismong village pa nila. Highschool siya nang tuluyang lumipat ang mga ito sa Bulacan. Sa totoo lang, papa niya ang humikayat sa papa nito na sa village din nila ito tumira. At dahil, magbestfriend ang mga ama nila. Ayun, naging magkapitbahay sila.

Three years ago nang mag-migrate ito sa America kasama ng parents nito. Three years mang hindi ito umuwi, may communication pa din sila.

 “Ikaw, how are you, pare?” tanong nito.

“Eto gwapo pa din.”

“Si Princess.” Napalingon siya sa sinabi nito. Sa iba ito nakatingin. Sinundan niya ang tinitingnan nito. Si Princess. Tumatawa si Princess habang nakatingin sa nagkukulitang sina Harold at Cath. Napangiti siya sa nakikita niya pero agad ding kumunot ang noo niya ng hindi pa din nilulubayan ng tingin ni Jed si Princess.

“Hey!” Kinalabit na niya ito sa balikat.

Napalingon ito sa kaniya. Bahagya itong ngumiti. “Bat ganyan ang noo mo? Don’t tell me you’re jealous because I’m staring at your Princess.”

Sabi na nga ba, kapag hindi tungkol sa sarili nito ang pinag-uusapan, ang dami nitong nasasabi.

“You’re staring at her?”

“I’m just kidding, pare. Napatingin lang ako sa kaniya ng madinig ko ang tawa niya. May naalala lang akong bigla.”

Napangiti siya sinabi nito. “Alam ko kung sino ang naaalala mo.”

“Wala akong sinabing sino. May naalala akong ano.” kaila nito.

“I know you, pare. We’re bestfriends, right?”

“I know you, too, pare. Matagal man tayong hindi nagkita. Kilalang-kilala pa din kita.” Nilingon nito si Princess. “Finally. Magpinsan nga talaga kayo ni Harold. Lagi kayong sabay sa mga bagay.”

Nakadinig siya ng tunog ng motor. Napangiti siya. “And finally, nandito na din siya.” Sinabi sa kaniya ni Harold kanina na tinext nito ang pandak na ‘yon at pinapunta dito.

Kumunot ang noo nito. “Who?”

Bilang sagot ay isang malakas at maingay na boses ang nadinig niya mula sa likuran ni Jed. Isang babae ang lumitaw mula sa kung saan. Si pandak! Nakasuot pa din ang helmet nitong color pink sa ulo nito. Hindi man lang tinanggal. Napailing siya. Para talaga itong kabute at para itong si ‘the flash’. Ang bilis. Dere-deretso itong tumakbo palapit sa kaniya. Naglambitin pa ito sa leeg niya.

“Na-miss kita, Aeroll!”

“Ang bigat mo, ano ba? Hindi ako monkey bar, okay. And how many times do I have to tell you na KUYA Aeroll. Not just Aeroll. And FYI, wala pang dalawang linggo ng huli tayong nagkita. Kung maka-miss ka dyan parang ilang taon tayong hindi nagkita at parang hindi tayo magkasama sa bahay.”

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Where stories live. Discover now