Chapter 64

47 3 0
                                    

Chapter 64

Nangangatal ang kamay ko habang hawak-hawak ang bagay na nasa kamay ko.

Two red lines. Positive.

Napatakip ako ng bibig.

May hinala na ako noon pa man but... I keep on denying it.

Napailing-iling ako.

Paano na ngayon?

"Hoy! Ano na? Tapos ka na ba riyan?" Tanong ng best friend ko mula sa labas.

Nagpunas ako ng tumulo kong luha at saka sumigaw. "Sandali lang!"

I don't even know why I am crying. Kung dahil ba sa... masaya ako because I have my child, o malungkot ako dahil hindi si Troviance ang ama nito.

Binuksan ko ang pinto ng comfort room.

Sinalubong ako ni Diana kaagad. "Ano? Anong resulta? Magiging ninang na ba ako?"

Excited na excited siya, habang ako ay parang namatayan.

This is so... unbelievable.

"Ano? Sagot kaagad!"

Dahan-dahan akong tumango.

Nagtitili siya. "Really?! OMG! Magiging ninang na nga ako!"

Napangiti lang ako nang mapait.

Dahan-dahang nabura ang ngiti ni Diana nang makita ang itsura ng mukha ko.

"Bakit... ganiyan ang reaksyon mo?" She frowned. "Hindi ka ba masaya? Aren't you happy because you're now bearing a child?"

"Hindi naman sa ganoon." I sighed.

"Pero parang ganoon na nga?" Inis na sabi niya. "Umayos ka nga, Charmaine Skyler. Nakakahalata na ako sa'yo."

Thank god my best friend is here. I badly need someone right now.

Sana lang ay hindi niya ako husgahan...

"He's not the father." Napapakagat ang labing sabi ko.

Nangunot ang noo niya. "Huh?"

I sighed. "Troviance..." I trailed. "He's not the father... of my child."

"What the hell?" As expected, nagulat siya.

"I told you, the bar..." Tanong ko, agad naman siyang tumango. "Ang lalaking iyon, siya ang... ang..." Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya iyon.

She's still shocked. Napahawak siya sa bibig niya at paulit-ulit na umiling.

"Oh... god." She licked her lips. "Sino naman ang lalaking 'yon? Kilala ko ba siya? Is he a stranger?"

"No, he's not." Huminga ako nang malalim. "In fact, kilalang-kilala mo siya."

"What... I mean, who is he?"

Should I tell her? Nag-aalangan talaga ako!

"I..."

"Don't you dare lie on my face..." Pinandilatan niya ako.

"Si..."

"Pa-suspense ka pa, sabihin mo na!"

"I just can't—"

"Ano ba? Sasabihin mo ba o hindi?!"

"Kasi—"

"Sino nga?!"

"Si Mikel!" Napapapikit kong sagot. "Si Mikel! Siya ang ama ng bata!"

Unti-unting namilog ang mga mata niya.

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Where stories live. Discover now