Chapter 33

50 3 7
                                    

Chapter 33

Nanlaki ang mata niya. "Talaga?!"

"Oo--"

"Wooh! Yes!" Nagulat ako nang bigla niyang buksan ang pinto at lumabas ng sasakyan.

"Saan ka pupunta--"

Napapakamot ako ng ulong lumabas rin ng sasakyan nang makitang humarap siya sa mga nagdadaang vehicles. He spread his arms widely as if he'll fly in the sky.

Napailing ako.

Ano naman kaya ang pakana nito?

"Hey, people! Naririnig niyo ba ako? My baby finally allowed me to court her! She said yes already!"

Ngiting-ngiti siya habang paulit-ulit na sumigaw. Mabuti na lang at walang masiyadong nagdadaan dito maliban sa ilang mga kotse.

He's that happy, huh?

Napangiti na rin ako. At least I know that... I made the right decision.

"Didn't you all hear me? She said yes!"

"Tama na nga 'yan." Sabi ko sa kaniya.

"I love you, Charmaine Skyler Buenafardo!"

I smiled.

I felt like... my heart skipped a beat. This is the first time that I heard those words from him.

Hindi pa man nagiging kami, nararamdam ko na agad na ang swerte ko sa kaniya. Kayang-kaya niyang ipagsigawan sa lahat ang nararamdaman niya para sa'kin without any hesitation.

Kinalabit ko siya. "Tara na. Baka sabihin ng mga tao... nage-eskandalo ka riyan."

He shook his head. "I only care about you, baby. Screw everyone else..."

I bit my lip. My goodness, Mikel Radley Del Fuentes. Ano bang ginagawa mo sa'kin?

Nabigla ako nang may humintong kotse sa tapat namin. Bumukas ang isa sa mga bintana nito. From there, mayroong sumungaw na isang babae.

"Walang forever! Tang ina niyo! Maghihiwalay din kayo!" Mas lalo akong nagulat nang sumigaw siya.

Umangat ang kilay ko. Bakit ba ang dami ng mga bitter sa mundo ngayon? I mean--yes, I am very much bitter too, but... hindi ko na iyon sinasabi pa sa iba. Sinasarili ko na lang!

"Go get yourself a boyfriend, then!" Inis kong sabi sa kaniya.

Umirap din siya sa'kin at saka pinaharurot na ang sasakyan nila.

Napailing na lang ako at niyakag si Mikel.

"Halika na..."

He smiled at me. "Yeah. I think we should go..."

Napuno ng tawanan ang kotse ni Mikel while heading to our home. Habang nasa daan kasi kami ay pinagkukwentuhan namin ang aming mga childhood memories.

"Naalala mo ba noong grade two ka?" Natatawang tanong niya.

"Bakit? Ano bang nangyari sa'kin noon?"

"Pinapunta si Tito sa discipline office, 'di ba?"

Ngumuso ako. "Hindi ko na maalala..."

"Pinapunta si Tito sa office noong araw na 'yon. Sabi kasi ng teacher mo, nakipagsabunutan ka raw sa kaklase mong babae."

"Huh? Bakit?" Taka kong tanong, hindi ko kasi masiyadong maalala ang sinasabi niya.

"Noong tinanong ka ng dean kung bakit mo ginawa 'yon, ang sagot mo... 'wala lang, ang pangit niya kasi.'"

I chuckled.

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon