Chapter 47

27 4 0
                                    

Chapter 47

"Hey..."

Napalingon ako sa katabi ko.

"You seem bothered. Why?"

Umiling lang ako.

Tinatanong pa talaga niya? Really? Ang awkward kaya namin!

Lumabas sina Lola at Kuya dahil may bibilhin daw sila sa palengke sandali. Sakto namang pag-alis nila, bumuhos ang malakas na ulan. Nag-text sa'kin si Kuya na baka gabihin sila ng uwi so... guess what? Naiwan lang naman kami rito ni Troviance.

"Magsalita ka naman. Baka mapanis ang laway mo..."

Umikot ang mata ko. "Ano namang sasabihin ko?"

"Ask me."

"Ano namang itatanong ko sa'yo?" I arched a brow.

"Kahit ano..."

"Kahit ano? Like what? What's your name? How old is your dog? Do you have cows in your house?" Sarkastiko kong sabi.

"Why don't you stop being sarcastic?"

"I don't feel like talking to you." I directly said. What's the use of lying, right?

"Oh, okay..." He chuckled bitterly. "I guess I have to... guess your thoughts, then."

Umirap ako. "If that's what pleases you."

Hindi ko alam pero naiinis talaga ako sa paraan ng pakikitungo niya sa'kin. He's annoying usually, right. Ngayon, mas pina-level up pa!

"Hindi ko alam na hanggang dito ay masusundan mo ako."

Awtomatikong umangat ang kilay ko. "Kapal ng apog mo. Baka ikaw ang sumusunod sa'kin?"

"So what if I am?"

Umawang ang labi ko. So... sinasabi niya bang sinusundan niya talaga ako? Oh, bloody hell! Mukhang tama nga ang hinala ko.

"Sayang naman kasi ang pagkakataon."

My forehead wrinkled. "Pagkakataon? Anong pagkakataon?"

He shook his head.

I shrugged my shoulders. "Alam mo Troviance, kung nandito ka para ipilit sa'kin 'yang nararamdaman mo... pwede ka nang umuwi at bumalik sa Bulacan. Wala kang mapapala sa'kin, sinasabi ko na sa'yo."

Huminga siya nang malalim. "I want to at least try. Alam kong... hindi pa kayo ni Mikel."

"But I love him." May pagmamalaking sabi ko. "Besides, sasagutin ko na siya pagbalik ko. Hindi na ako magsasayang ng oras para magpaligaw sa kaniya. Sapat na ang effort at oras na nilaan niya para patunayang mahal niya ako. He worked hard to gain my trust. I know he won't fail me this time..."

Ngumiwi siya. "How can you be so sure of that?"

"Dahil buo na ang tiwala ko sa kaniya." I confidently said. "Ako na mismo ang nagsasabi sa'yo, back off. Kapag nakarating pa 'to kay Mikel, I'm sure he won't like this idea of yours..."

"You know what? Simula noong maamin ko sa sarili ko na gusto kita, nangako ako. Nangako ako na gagawin ko ang lahat para makuha ka. Para maging akin ka. Kasi kahit na nasa loob kami ng kompetsiyon ni Mikel, wala sa bokabularyo ko ang sumuko. Ikaw ang premyo, eh. Bakit pa ako magpapatalo?"

"Troviance, hindi ako isang bagay para gawin mong gantimpala sa isang kompetisyon. Buhay ko 'to. Ako ang magpapatakbo ng buhay ko at hindi ko kailangan na sinumang kokontrol sa akin. I have my own battery..."

"Walang kumukontrol sa'yo. Your decision is my number one priority. Ang kaso, masiyado akong matiyaga na i-pursue ka kaya ang nagiging dating sa'yo, kinokontrol kita. That's it. Simple but confusing."

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Where stories live. Discover now