Chapter 8

74 3 1
                                    

Chapter 8

Iginaya ko papasok ng aming bahay si Diana nang makauwi na kami. Naupo na lang siya sofa, para bang pagod na pagod. Wala naman na kaming ibang pinuntahan after we got off sa parking lot. Siguro ay nakakapagod lang talagang pumasok sa eskwelahan.

"Diyan ka muna." Sabi ko sa kaniya. "Tatawagin ko lang si Papa."

"Okay."

Dumiretso ako ng kusina dahil ramdam kong nandito si Papa. Well... it's dinner time, so... yeah. He will be here, for sure.

"Papa!"

"Oh, anak?" Naabutan ko siyang nagluluto ng ulam.

Told you!

I kissed his cheeks. "Magandang gabi po, Papa."

Simula noong umalis si Mama, si Papa na ang tumayong nanay at tatay sa akin. Siya na ang tagalaba, tagalinis, at tagaluto. Ayaw niyang kumuha ng katulong dahil nawalan na siya ng tiwala rito. Minsan na rin kasi kaming nanakawan ng mga alahas.

Basically, tumutulong din ang step mother ko sa mga gawaing bahay, although... she's not staying with us 24/7. Tuwing may free time siya, saka lang niya iyon ginagawa.

"Hmm... ang bango, huh?" Inamoy ko ang niluluto niya, adobong manok pala.

Pinatay niya ang kalan.

Wow, tapos na?

"Ginabi ka yata ngayon?"

Oh, right. Paano ko kaya sasabihin sa kaniya na may punishment ako?

"Ah. Ano, kasi po---"

"Charmaine!" Nakahinga ako nang maluwag nang tawagin ako bigla ni Diana.

Saved by the bell.

"Oh? Bakit hindi sinabi ng prinsesa ko na may kasama pala siya?" Tanong ni Papa.

"Ah---"

"Magandang gabi po, Tito!" Singit ni Diana.

Tito? Feeling close, huh?

"Oh, magandang gabi rin, hija."

"Pasensiya na po at sumama ako kay Charmaine, ah? Nagugutom na po kasi ako."

Napaubo ako sa diretsong sagot niyang 'yon.

Grabe, hindi talaga siya marunong mahiya.

"Naku, gano'n ba?" Parang nataranta naman si Papa.

"Opo, hehe!"

"Siya, sige, doon muna kayo sa salas at maghahain lang ako ng pagkain."

"Sige po!" Masiglang sabi niya sabay harap sa'kin. "Tara na?"

Nang makabalik kami sa sala, agad akong kinalabit ng kaibigan ko. May gusto na naman siyang sabihin, obviously. Hindi niya yata kayang tumahimik even for a while.

"Oh?"

"Grabe, ang bait ng Papa mo!"

Napangiti ako. Oh... it's a good thing. "Siyempre."

"Ang sweet-sweet niya pa sa'yo! Biruin mo... ang tawag niya pa sa'yo, prinsesa?" Tumingin siya sa kawalan. "Just, wow! Bihira na lang ang ganiyang tatay sa mundo!"

"I know, right?" He's literally the best.

Kulang man ang pamilya ko... I am still thankful. Papa is filling that empty space of my heart. Doon pa lang ay solve na ako.

"Anak! Halika na rito sa kusina!" Maya-maya'y umalingawngaw ang sigaw ni Papa.

"Sige po!" Hinila ko patayo si Diana. "Tara na raw."

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Where stories live. Discover now