Chapter 5

79 4 3
                                    

Chapter 5

Nakatulala ako sa bintana habang pinagmamasdan ang pagbuhos ng ulan.

August na.

Tatlong buwan na simula noong magkita kami ni Kuya Mikel.

At hindi na naulit 'yon.

Sabi kasi sa'kin ni Papa, h'wag ko na raw muna siyang puntahan dahil baka raw galit pa ang Mama niya sa nangyari noong nakaraan. Halos mangisay daw kasi si Kuya Mikel noong araw na 'yon dahil sa sobrang taas ng lagnat niya.

Kailan ko nga lang nalaman na magkalapit ang bahay naming dalawa, eh. Gusto ko siyang dalawin since then. Kaso, hindi pwede, eh.

Baka kasi paluin ulit ako ni Mama.

Napabuntong-hininga ako. Ayoko nang mapalo. Baka sumakit na naman ang pwet ko.

Lalo na't ang bilis magalit ni Mama ngayon. Konting galaw ko lang, sinasabihan niya na ako ng magaslaw. Konting pagkakamali lang na nagagawa ko, sinasabihan na niya akong tanga. Konting salita ko lang, babarahin niya agad ako.

Tapos nitong mga nakaraang araw, napansin kong ang dalas nilang mag-away ni Papa.

Halos araw-araw ko ring naririnig kay Mama na, "Pirmahan mo na kasi ang annulment paper, Arthur!"

Naitanong ko tuloy sa sarili ko.

Ano ba ang annulment paper?

Tinanong ko iyon kay Papa noong isang araw pero sabi niya'y wala raw 'yon. At dahil hindi ako nakuntento, pinilit ko siya.

Ayun, napagsabihan pa tuloy akong makulit.

Kay Lola naman ako nagtanong niyon pero aniya'y hindi raw niya alam 'yon.

Lalo tuloy akong nagtaka.

May tinatago ba sila sa'kin?

Ayoko namang tanungin si Mama at baka nga paluin niya ako sa pwet.

Kaya, hindi na ako nagtanong. Sinarili ko na lang ang mga bagay na gusto kong malaman.

"Psst!"

Natigilan ako. Sino 'yon?

"Psst!"

Lumingon ako sa likod. Wala naman.

"Psst! Huy!"

Lumingon ako sa magkabilang gilid ko. Wala rin.

"Huy!"

Tumingala ako. Wala rin.

"Psst! Yuhoooo!"

Ibig sabihin...

"Waaah! May multo!" Sigaw ko.

"Ano bang pinagsasasabi mo diyan?" Napatingin ako sa pintuan at nakita ko ang nakapamewang na si Lola.

Tumakbo ako papalapit sa kaniya. "Waah! Lola! May multo!"

"Multo? Pa'no naman magkakamulto dito?"

"Eh! Meron nga po, Lola! Sabi niya nga po sa'kin, psst, eh!" Naiiyak ng sumbong ko.

Takot kaya ako sa multo!

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Where stories live. Discover now