Chapter 17

54 4 5
                                    

Chapter 17

"Tang ina..." 

Kaninang-kanina pa ako nagpupumilit na makalabas ng parking lot nang harangin ako ng guard sa labas. Bawal pa raw umuwi ang mga estudyante nang walang sundo dahil nga may bagyo.

Nakakainis lang.

"Eh, hija... kahit anong gawin mong pagmumura riyan, hindi nga pwedeng lumabas. Hindi mo ba nakikitang delikado kung uuuwi ka nang mag-isa?"

Huminga ako nang malalim. Pakiramdam ko ay makakasapak ako ng tao ngayon.

"Manong, alam ko naman hong delikado 'yon. Pero... hindi ho ba mas maganda kung makakauwi na ako agad sa bahay para less worries sa bagyo?" Pakiusap ko.

"Hindi nga natin masisigurong ligtas kang makakauwi, hija. Huwag nang matigas ang bungo mo."

Umikot ang mata ko. Talaga naman, oh!

"Manong, parang awa mo na, paraanin mo na ako. Uwing-uwi na talaga ako." Desperadang sabi ko.

"Ako rin, hija, uwing-uwi na. Umuwi ba ako? Hindi, 'di ba?"

"Hindi ko po tinatanong." Pasiring ko siyang tinignan.

"Share ko lang, hija. Bakit? May problema ka ro'n?"

"Ang problema ko po ay ayaw niyo akong padaanin!" Nainis na ako.

"Naka-unli ka yata hija, eh. Hindi ba sinabi ko na sa'yong bawal pa ngang lumabas ang estudyanteng tulad mo? Kapag nagdisgrasya ka, ano na lang ang---"

Napahinto si Manong dahil biglang may umalingawngaw na malakas na busina sa buong parking lot.

Eh?

Napalingon ako. Galing 'yon sa likuran.

"Is there are a problem here?" Bumaba mula sa kotse ang isang pamilyar na babae.

Anong ginagawa niya rito?

"Ma'am Michaella." Anang guard.

Yeah, si Tita Michaella nga ang may sakay ng kotse, sad to say.

"Ano bang nangyayari rito?" Maarte niyang tanong.

"Ma'am, kasi itong batang 'to, nagpupumilit lumabas ng university, eh." Sumbong nung guard sabay turo sa'kin.

"What? Siyempre, uuwi na ako! Suspended ang klase!"

"Hay naku, bata ka! Gusto mo bang isumbong kita sa principal niyo?"

"Go ahead!" Singhal ko.

Naiinis na talaga ako, eh.

"Okay na, Manong. Ako nang bahala rito." Singit ni Tita Michaella.

"Sige po, Ma'am. Salamat sa inyo at mababawasan na ang sakit ng ulo ko kahit papaano."

"Ulo ko nga ang sumakit, eh!" Giit ko.

"Sa korte mo na ireklamo 'yan, hija."

"Whatever!" Umikot ulit ang mata ko.

"Sige ho, Ma'am! Iuwi niyo na 'to!"

"Okay. You can now relax."

Nag-thumbs up pa ang sira-ulong guard ng Shamxia University. Why did they even hire this man?

"Let's go." Matalim ang tinging niyakag ako ni Tita Michaella papasok ng kotse niya.

"Where are we going?" Agad kong tanong.

"Just ride. H'wag ka nang maraming tanong."

Wala na akong nagawa dahil bigla niya nang hinila ang kamay ko upang makapasok sa loob ng kotse.

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)On viuen les histories. Descobreix ara