Chapter 37

28 1 0
                                    

Chapter 37

Sumakay agad kami ng jeep pagkatapos naming kumain. Mabuti na lang at may dalang cellphone itong si Mathiee kaya't nai-text ko ang kaniyang ate upang puntahan kami rito sa SM Department Store. Baka kasi mamaya... hanapin niya si Mathiee at mapagkamalan pa akong nangidnap ng bata.

Ayoko namang mangyari 'yon.

"Ate Skyler! I want this one!" Tuwang-tuwa si Mathiee habang tinuturo ang isang pink na malaking doll house.

"Magtingin ka muna ng iba riyan. Baka mayroon pang ibang magaganda."

She smiled widely. "Okay po!" Patalon-talon siyang tumakbo para magtingin pa ng laruan.

"Hindi ko alam na nagkakawang-gawa ka na ngayon..." Bulong sa'kin ni Diana.

"Ano ka ba? Pinsan ni Mikel 'yang si Mathiee."

"Hmm... porke't sa 'M' nagsisimula ang mga pangalan nila... magpinsan na sila, gano'n?"

Umikot ang mata ko. "Magkapatid ang nanay ni Mathiee at ang tatay ni Mikel. Tss."

"Oh, sorry. Malay ko ba."

Sinundan ko ng tingin si Mathiee habang pagala-gala siya sa toy section. Napapatalon talaga siya sa tuwa sa t'wing makakakita ng human-size barbie.

Napangiti ako. Ang cute niya talaga.

"Ang hilig naman niya sa barbie." Nasabi na lang ni Francine. "Bakit ako hindi ganiyan? Puro mga puzzles ang gustong-gusto ko dati."

"Buti nga ikaw puzzle ang hilig mo. Sa'kin, puro robot at kotse-kotsehan daw ang laruan ko dati. Hindi ko man lang malaman kung totoo..." Naghihimutok na sagot ni Diana.

Natawa ako. "Baka lalaki ka talaga?"

"Ulol. Kaya pala may isang Drakeson na nagmamahal sa'kin?"

"Mahal ka ba talaga?"

Umarte naman siya na parang sobrang nasaktan sa sinabi ko. "My god, Char. Ang sakit mo nang magsalita ngayon. Kaibigan pa ba kita?"

"Oo naman."

"Palibhasa, ulan lang ang nilalaro mo dati, eh!"

My forehead wrinkled. "Ano naman ang connect?"

"Duh?! 'Yun kaya ang usapan natin kanina! Pilit mo lang sinasama si Drake!"

"Huh? Hindi ba't ikaw ang nagpasok sa kaniya sa usapan?"

"Ay, ako ba?" Gulat niyang sabi. "Whatever! Ganoon na rin iyon!"

"Ate Skyler!" Napatingin ako kay Mathiee na tumatakbo palapit sa'kin. May hawak siyang isang box na may lamang barbie at ilang mga pirasong dresses nito.

"'Ito na lang po!" Maligayang sabi niya.

"Is that what you want?"

Tumango ang cute na bata. "Yes po!"

"Then let's buy it."

"Yay!"

Naglakad na kami patungong counter. Wala naman masiyadong nakapila kaya't mabilis ko rin 'yong nabayaran.

"499 pesos, Ma'am."

"Here." Inabot ko sa kaniya ang credit card ko.

Ni-swipe niya 'yon at saka binalik sa'kin. Ni-punch na rin ang laruan ni Mathiee at inabot iyon.

Mathiee is all happy nang mahawakan niya ang box ng barbie niya. Yes, box pa lang—ganoon kababaw ang kaligayahan niya.

"Thank you, Ate Skyler!" Niyakap niya nang mahigpit ang laruan. "Finally, I have my barbie doll now!"

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Where stories live. Discover now