Chapter 43

30 4 0
                                    

Chapter 43

"Kuya Caleum!" I welcomed my brother by giving him a very warm hug.

Kararating lang namin dito sa Occidental ngayon-ngayon lang. Agad kaming dumiretso sa ospital na sinabi ni Mama Chiena.

Going back, hindi ko nakilala ang kapatid ko noong una dahil... sobrang gwapo niya! Mabuti na lang at sinabi sa akin kaagad ni Papa na si kuya iyon kung hindi... I would have been mistaken him as someone I don't know.

"Maine? Ikaw na ba 'yan?" Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi nang humiwalay siya ng yakap sa'kin. "Ang ganda mo na!"

Natawa ako. "Ang aga mo naman nambobola, Kuya."

"Nope. Seriously. Ang ganda mo ngayon. Ano bang mayroon sa Bulacan at naging ganiyan ang itsura mo?"

I chuckled. "Eh ikaw, Kuya? Anong mayroon dito't mas naging gwapo ka?"

"Sus." He messed my hair. "Nagdadalaga na ang baby Maine ko." He teased me.

"Stop, Kuya!"

"Hmm... may boyfriend ka na siguro, 'no?" His gray eyes looked at me, still teasing.

"Uh-huh." I teased him back.

I did not expect that he wouldn't like that idea. He clenched his jaw. "Are you serious?"

"Uh-huh."

"Anong pangalan niya? Niligawan ka niya? Bakit mo sinagot? Anong itsura? Gwapo, mayaman?"

"Kuya, kumalma ka nga..." Natatawa kong sabi sa kaniya.

"Kalma? You're telling me that you have a boyfriend when I last met you as a child?"

Lalo akong natawa.

"Sino ba ang lalaking 'yon? Mahal ka ba niya? Is he even treating you right?"

"Relax, Kuya."

Umirap ito. "Relax my ass."

"Kilalang-kilala mo siya, Kuya."

Umangat ang isa niyang kilay. "Kilala ko? Huwag mo sabihing—"

"Anak, anak! Si Lux! Si Lux!" Nataranta kaming pareho ni Kuya nang marinig ang sigaw ni Mama Chiena.

Mabilis kaming pumasok sa kwarto ng kapatid ko. Bumungad sa'kin si Lux na nakahawak sa ulo niya at mukhang namimilipit sa sakit dahil pagulong-gulong na ito sa kama.

"'Ma! Anong nangyari?" Tarantang tanong ni Kuya.

"Hindi ko alam! Bigla na lang sumigaw si Lux!" Nangangatal na sabi ni Mama kaya lumingon kaming pareho sa kapatid ko.

Nakahawak ito sa ulo niya. "'Ma! Ang sakit po! Ang sakit!" Sigaw ito nang sigaw.

I looked at my little brother's face. Namamayat na siya at putlang-putla ang mukha niya. Bakas ang hirap at sakit lalo na't sigaw pa siya nang sigaw. Pero kahit na gano'n, hindi pa rin maikakaila na ang gandang lalaki niya.

How come na naisingit ko pa iyon, though?

"Diyan lang kayo. Tatawagin ko ang doktor."

Tumango si Mama at umiiyak na niyakap si Lux. "Anak, huwag kang mag-alala. Darating na ang doktor."

"Pero... Mama... sobrang sakit po! Hindi ko na kaya!" Humagulgol na ang kapatid ko.

My eyes watered. I think this is the worst scene I've seen in my entire life.

Ayokong nakikitang nasasaktan ang mga taong malalapit sa akin. Kung pwede lang i-share ang sakit nila papunta sa'kin, tatanggapin ko. Mas masakit makitang nagdurusa sila sa mismong harapan ko.

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Where stories live. Discover now